Chapter 2- Tigre at Unggoy

32K 786 74
                                    




STELLA

Napaisip ako...

Pinulot ko yung ice-cream cone sa tabi nang sapatos niya at bigla akong tumayo at sinuntok ito sa mukha nang mayabang unggoy!

Akmang nabigla sila sa ginawa ko.

Tinignan ko siya ng masama, habang nanlaki ang mga mata niya.

HMP! Akala niya ha!

Porket sila ang may ari ng school na to, sa tingin niya gagawin ko talaga yun?! Nagkakamali siya!

O__O Mukha ng tatlo.

Nagulat siya at silang lahat sa ginawa ko.

" You freak!!!" sigaw niya habang inaalis ang ice cream nakapalibot sa mukha niya. Times 100 na talaga ang galit niya, pero wala akong paki alam! Sino ba siya para utusan akong gawin sa kanya yun?

"Ano ka diyos?  Sigaw ko sakanya.

"Porket mayaman ka sa tingin mo pwede mo na akong utus-utusan!" nanlaki ulit mata niya. .

"Wala akong pakialam kung anak ka man ng school na to O presidente ng Pilipinas! Mas bagay nga sayo yan eh, malamig na ice-cream sa makapal mong mukha!"

Sinamaan ko siya ng tingin, siya naman umuusok na ang ilong at tenga sa galit.

Yellow na ang buhok nito! Mag Su-super Sayan na siya!!  "Gusto ma ba talaga ma kic—"

" Bahala ka kung gusto mo ako i-kick out dito! Wala akong paki-alam!!". Gawin niya ano mang gusto niya gawin, kung gusto niya man i-kick out ako dito. Bahala siya!

Mas lalo kong narealize, hindi naman ako bagay sa paaralan na to. Kung good bye schoolarship pero kung goodbye naman sa unggoy nato sa buhay ko, okay lang!

"Hinahamon mo ba talaga ako? Ha!" sabi niya habang patayo siya. Lumaki na naman mata niya halos malaglag na nga ito .

"Hindi naman. Yung sakin man lang, sana itrato mo ang iba ng maayos!"

"Eh pano kung ayoko? Ha? Mag e-eksina ka ba? Magiging super hero ka sa kanila dito?" lumapit siya sakin.

"Pwede naman!" proud ko pang sinabi habang hinahawakan ang kwelyo niya.

Sa sinabi ko napatawa siya at kinuha ang kamay ko palayo sa kwelyo niya. Ngumisi ito ng parang abnormal.

"Nag papatawa kaba? Psh. Youre just a nobody here. Hindi mo ko kaya. Pasalamat ka at naawa ako sa panget na kagaya mo." tumawa siya at tinapik ang noo ko gamit ang daliri niya. UGH!

Maka panget wagas ah!

"Sa tingin mo pogi ka ba? Eh mas pogi pa si bentong sayo eh! Ang sama pa ng ugali mo!"

" YOU'LL. REGRET. THIS." pilyo niyang sinabi habang nanlilisik sa galit ang mata niya. Hindi ako magsisinungaling, natakot ako dun.

Lumakad ito palayo. Kung pwede lang talaga, sisipain ko talaga ang moko nato pabalik sa Jupiter!

Agad naman sumunod ang mga kaibigan niya, pero ang isa tinignan ako at nagsalita."Nice try, very astig." umiling siya habang nginitian ako tapos sumunod na din siya.lmsa unggoy.

Ilang segundo ay may isang U.F.O ang nag landing sa lupa at kinuha na ng mga alien  ang masamang ugali na lalaki at dinala na ito pabalik sa home planet niya, sa Jupiter. Pero syempre joke lang yun.

Pagkaalis nila dun na ako nakahinga ng malalim at unti-unti ng umaalis ang adrenaline rush ko. Ngayon lang na proseso sa utak ko ang ginawa ko. May ghad. Is this the end of me?

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon