STELLA
Inayos ko ang salamin ko.
Ba't nasa bahay ako di Kendall ? Paano nangyari to?! Kidinapped ba iya ako?? O baka panaginip lang to!
"Tigilan mo nga yan pagsasampal sa sarili mo, para kang timang diyan"
SHEETENG UNGGOY
Totoo nga hindi panaginip to!
"Buti gising kana, yung laway mo parang waterfalls." tumawa siya bigla.
"Bakit ako nandito ha!?" sabi ko sakanya at hinagisan nang unan. Parang na babaliw ako! Paano ako naka tungtung sa bahay ng Shing-Wa??
"May ginawa ka nuh t-" pinutol niya ako.
"Hoy! wala akong ginawa sayo ah! Feeler mo naman"
Tumungo siya sa lamesa at may kinuha "Oh eto, inumin mo yan" may inalok siya sakin..
"Ano yan?"
Tinaasan ko siya nang kilay "Bobo ka talaga gamot lang hindi mo pa alam." sinamaan ko siya nang tingin at kinuha ito. Tapos tumalikod na siya sakin.
Pinagmasdan ko ang kwarto niya, grabi parang size nato nang bahay namin. Mayaman talaga ang mayabang nato, May T.V, sofa, mini fridge, pati yung kama, sobrang laki.
Bumalik ulit ang tanong sa sarili ko, kong paano ako napunta dito.
" Unggoy! Ba't ba ako andito?" tinanong ko siya ng maayos, ayoko naman maging bastos.
"Hindi mo ba naalala? "malamang tinanong nga kita eh! Hindi ko siya sinagot binigyan ko lang siya ng blank look."Hinimatay ka kanina nung nag walkout ka sa klasse natin"
Ay! Oo nga pala naalala ko na!
Sumakit ang pakiramdam ko at tapos pinag-tuksuan pa ko nila ni Jacob sa klasse!Tsaka umalis ako tapos naglakad..at... Meaning.. siya pala ang bumuhat sakin!?
Niligtas nanaman ako ni Kendall. Nahihiya na ako tuloy sa kanya sinigawan ko pa siya.
"Ganun ba...Ah sa-salamat" Napatingin siya sakin at ngumiti ito.
Isang cute na ngiti...
Nako Stella, umiwas ka na ng tingin!
Ilang segundo lang...
HALA
Bakit palapit ito sa kama. Anong gagawin niya...Umatras ako ng konti. Lumalakad parin siya palapit sakin habang naka diretso lang ang tingin niya! Parang may binabalak siya eh!!
"Yaaa!"
"Ambesyosa ka talaga, kong ano ano siguro iniisip mo diyan!" sabi niya habang nilagay niya ang kamay niya sa noo ko. Nawala yung kaba ko..Napatawa na lang ako sa sarili ko, parang shunga ko lang kung ano ano nga kasi iniisp eh. Yun pala kinakamusta niya lang ako.
"Buti naman hindi kana maiinit katulad nang kanina" kinuha niya naman ito sa noo ko. Maiinit ba takaga ako kanina? Ibig sabihin.. inalagaan ako ni Kendall? No! Mali! Siguro may inutusan siyang maid. Yan Tama!
Naka panibago ngayon si Kendall, sanay na kasi ako na palagi kaming nag aasaran, ngayon parang nagiging concern siya bigla. Kinain niya?
" Next time kasi wag kang pumunta sa school na walang laman yan tiyan mo!" sabi niya habang ginulo ang buhok ko.Nginitian niya ko. Isang Cute at killer smile niya. Inalis ko na lang ang tingin ko sa kanya, teka anong oras na ba?
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...