STELLA
Dinala ako ni Kendall sa isang maganda at Elegante na restaurant. Hindi ko alam kung ano naisip niya at dito siya pumunta.
Pag pasok namin sa restaurant, mga mata nang mga babae naka titig na samin, O kay Kendall lang ba?
"Kendall, anong ginagawa natin dito? Nakakahiya naman dito mo pa ako dinala sa magarang restaurant" sabi ko sakanya habang paupo kami.
" Wag ka na nga maarte" Ako pa daw maarte?
"Dapat nga isipin mo swerte ka dahil makakatikim ka nang sosyal na pagkain" Aba minamaliit ako ng unggoy nato. Umirap na lang ako sa commento niya.
Agad kaming sinalubong ng isang babae.
" Mr. Shing-Wa! Welcome back, here is the menu " sabi nang isang waitress dito. Halatang nagpapapansin siya kay Kendall. Yung Clevage niya kasi nakikita talaga at panay ang ngiti niya sa unggoy.
"Thankyou, tatawagin ka na lang namin kapag mag o-order na kami" nginitian niya ang babae at mukhang kinilig naman. Pero hindi naman siya umalis.
Ako na lang kaya aalis na para maka pag flirt ang dalawang to? Sila na lang ang mag date. Teka...hindi pala kami nag dedate okay!
Inaabot niya sakin ang menu pero hindi ko naman ito kaagad kinuha.
"Kunin mo na"pilit niya. Edi kunin ko.
Pag bukas ko nito...
HOLY!
Mukhang masasarap!
Kaso...ang mamahal naman nang mga pagkain dito. Ang iba naman hindi ko alam kong pagkain ito O design lang.
Nakaka-gulo! Isang plate nang spaghetti at may iba pa tong style sa gilid niya, 540 pesos kaagad! MAHAL naman! Nag tingin pa ako, pero ganon din presyo ng iba! Kyaa! Yung steak parang presyo ng school tuition!
Wala pa naman akong pera dito...siguro three hundred fifty pesos lang. Huhu. Buti pa sana sa Jolibee or MCdo na lang, makakatipid ka pa.
"Um.. how about you?" walang ganang tanong ng babae babae sakin. Hinihintay ata akong mag order .
Napalunok muna ako. "Ahh... kasi..... ah..pwede tubig na lang? hehe" Stupid ko talaga, halatang first time ko dito ito. Sa sinabi ko naramdaman ko na namumula na ata pisngi ko sa hiya.Biglang tumawa naman nang mahina sakin ang babae. HMP!
"And you sir? Ano po yung e o-order niyo " si Girl with her flirty smile na naman. Hindi ko alam kung bakit ako naiinis sa kanya, tuwing makatitig siya kasi kay Kendall parang gusto niya na i'uwi to, wala naman sa menu yan diba?!
Stella anyayari sayo?
" Ahh can i get Chicken Cutlet Stromboli and fries on the side, with gravy."
Wow, parang masarap ang tunog nun, pero feeling ko sunog naman sa bulsa mga yon.
"How about you miss, just water?" bumalik ulit siya sakin. Wow kanina kay Kendall ang sweet, may smile siya. Tapos bigla sakin ang cold na?
Tumingin ako kay Kendall. "Ah..Kendall wala akong pagbayad eh" bulong ko.
" Kahit naman may pera ka, hindi mo ma afford ang presyo dito" Aba! Pinapaalam niya talaga na mahirap lang ako. Edi ako na! Sinamaan ko lang siya ng tingin.
"Sige na, mag order kana. Kahit ano."
Nakatingin lang sila sakin at hinihintay ang sagot ko "ahh... um..." ano kaya masarap? Tingin ulitmako ng menu.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...