JACOB
Panira moment talaga si Alex.
May pupuntahan pa sana akong pool party ngayon. Nagpaparty ang kakilala kung model galing Japan, excited pa naman sana ako, pero na cancel ko ang pag punta dahil kay Alex. Bwisit. Busy daw si Ginno tapos si Kendall naman may pinuntahan. Kaya yun ako tuloy ang naiwang tulungan siyang hakutin ang mga music instrument sa school para sa Charity event.
Sayang talaga mga hot babes pa sana naka swimsuit dun.
Dito na ako sa parking lot at bumaba na sa kotse. Mayamaya pa ay parang may narinig akong boses. Boses na parang umaaray at umuungol. Taena, anong meron? May naglalandian ba dito? Leche yung dumi kung isip nag mamarathon sa imagination.
Lumakad ako palapit kung saan galing ang inggay.
Napahinto ako ng may nakita akong lalaki. Duguang humihiga sa sahig. Umaaray sa sakit. Teka....Putek!
Si Alex!!
Dali-dali akong lumapit sa kanya. Duguan ang mukha nito. Tangina! Sino ba gumawa sa kanya? Inikot ko ang paningin at wala namang ibang tao sa paligid.
"Hoy! Alex! S-sinong gago gumawa sayo nito?!" napa sigaw ako sa alala. LANGYA. Ba't si Alex pa kasi. Siya kasi tong ang hindi expert sa mga physikalan. Sa aming apat siya yung mahina samin.
"Hindi k-ko Alam...P-pero..A-apat....s-sil-a" Hindi siya masyado makapag salita. Duguan kasi ang labi niya.
Malamang kawawa talaga siya! Kung malaman ko lang sino ang gumawa sa kanya to! Mapatay ko pa mga yon! Binuhat ko si Alex at agad dinala na sa hospital. Tinawagan ko rin sina Ginno at Kendall at sinabi ag nangyari.
Sa Hospital..
Si Kendall pa lang ang wala ngayon dito. Kaya kay Ginno at sakin na lang kweninto ni Alex ang nangyari.
Alas'syete na daw siya nakarating sa school. Pagbaba nito sa kotse, may apat na lalaki ang humarang sa kanya at agad itong binugbug ni walang salita.
Syempre, apat mga yun kaya walang kalaban laban itong si Alex. Sus, eh kung si Ginno O Kendall man yun, kahit sampuan pa sila. Kayang kaya nila kahit isang kamao lang ang gamit.
Ganun kami ka bagsik na tatlo, liban nalang kay Alex. Yung nakapagtataka lang, hindi niya sila kilala.
"Kamusta siya! "
After51728382 years dumating din si Kendall. San ba kasi galing ang moko nato.
"O? Ba't ngayon ka lang? tanong ni Ginno kay Kendall.
Napahawak siya sa leeg niya."Ahh..may pinuntahan lang" parang nag dadalawang isip pa siya sa sasabihin niya, napatingin siya kay Alex.
"DUDE! Mukha mo! "
"Bakit? Mas gwapo padin naman ako sayo ah" si Alex, nagawa pang mag biro kahit bugbug-sarado na ito.
"Ulol. Parang gusto mo pa ata mabugbug pa. Parang masaya kapa" sagot ni Kendall.
"Eh ano gusto mo? Iiyak ako dito parang bata. Psh"
"Sira ulo! Sino bang assungot na gumawa sayo niyan?" tanong ni Kendall habang pa upo siya sa tabi upuan malapit sa kama ni Alex.
**************
"Sigurado ka hindi mo sila kilala?" tanong ni Kendall pagkatapos namin na ekwento sa kanya ang nangyari.
"Basta, mukhang familiar sila. Kaso hindi ko masyado nakita itchura nila dahil ang dilim."
Napatigil siya na parang may naalala.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Novela Juvenil" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...