STELLA" Oh, Stella andito ka pa pala?" napatingin ako sa babaeng pumasok, akala ko kung sino, ang ate pala ni Kendall. " Anong oras na, hindi kapa ba hinahanap sa inyo?" dagdag niya at pinatong ang bitbit na kape at bag sa ibabaw ng lamesa.
Umiling ako sa kanya habang hawak-hawak ko pa din ang kamay ni Kendall.
"Ayoko po muna umuwi ate, baka mamaya magigising na siya." masigla kung sinabi at minamasdan ang maamong itchura ni Kendall.
Narinig kung napabuntol hininga si ate Kailey. Tumayo siya sa kabilang gilid ng kama ni Kendall at hinamas ang buhok nang sariling kapatid. "I talked to his doctor...Wala pa ding signs na magigising siya anytime now. Although , stable padin ang lagay niya." bakas sa boses niya ang lungkot.
Nilagay ko naman ang palad ni Kendall sa pisngi ko at sinubukang ngumiti. " Wag po kayo magaalala, naniniwala ako na gigising siya balang araw. Tutuparin pa niya ang pangakong hindi niya ako iiwan. Diba Kendall?"
Alam kung sabi ng doctor, mababa ang chance na gumaling siya, na tanging milagro na lang ang makakapag gising sa kanya, subalit hindi padin ako nawawalan ng pag-asa.
Ngumiti siya ng malapad sakin. " I admire you're positivity Stella. " yumuko siya at tinignan si Kendall. " You hear that brother? You promised her na hindi mo siya iiwan. So hurry up and get well na...Please.."
Isang buwan na lumipas, dumaan na ang pasko at ang bagong taon, hindi padin siya gumigising. Isang buwan na kaming naghihintay sa pag bangon niya, pero wala parin. Isang buwan na kaming nangungulila sakanya.
Parehas kaming lahat na umaasa na sana mabuti na ang lagay niya,na sana gigising nadin siya sa mahimbing niyang tulog. Para makikta ko na din ang ngiti niya, maririnig ko nadin ang tawa niya, mararamdaman ko na din ang yakap niya.
Pagkatapos ng pasko nun, hindi na ako umaalis sa tabi ni Kendall. Ayoko na siyang iwan pa. Parati ko siyang binibesita, sinasamahan, kinakausap, parang dito na nga ako nakatira sa private ward niya eh.
Nakakapagtaka din kung bakit hindi ako sinisita ng mama niya tuwing nagkikita kami o nagtatagpo ang tingin namin. Hindi na niya ako sinisigawan. Denededma lang ako tuwing nakikita niya akong nandito para sa anak niya. Hindi ko alam kung bakit. Dahil ba sa nasabi sa kanya ni ate Kailey nun bago mag pasko? O baka may na realize siya...
Ah.
Bahala na.
Okay na yun sa akin, sa pagkat hindi niya ako tinatabuyan ng masasakit na salita at hindi na niya ako binabawalan mabisita ang anak niya.
Mayamaya tumingin si ate kailey sa relo niya.
" Its past 11pm na Stella. May pasok ka pa bukas, umuwi ka na muna. I'll take it from here."
Lumaki mata ko. "P-ero-"
" Pinagbigyan na kita kahapon to stay here late, but now kailan mo na magpahinga. Isa pa may pasok ka pa bukas." napayuko ulit ako at minasdan ang mukha ni Kendall.
Gabi na pala, napatingin ako sa bintana at wala na ang sikat ng araw, madilim na ang kalangitan. Kanina pang tangahali tapat ako nandito, hindi ko man lang namalayan maghahating gabi na pala.
Nagdadalawang isip ako.
" Alex also mentioned that you spend more time here in the hospital rather than your classes."
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Novela Juvenil" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...