STELLA
Binuksan ko ang pinto-an. Tumambad sakin mukha ni unggoy...Este ni Kendall.
HALA
Ba't andito siya? Bat nasa bahay ang mortal enemy ko?
Hindi pa ata sapat sakanya asarain ako sa school, pati ba naman dito.Nakatayo lang ako sa harap niya. Para bang nakatitig sa multo.
"Ate sino dy-"
Pati na rin si Charles napahinto sa sasabihin niya.Parehas kami ng reaction nung nakita niya rin si Kendall. Nganga.
"Ah..Titigan na lang ba tayo?" binasag niya ang katahimikan. Hindi ako masayado nakasagot. Anong pakay niya? At paano niya nalaman dito ako nakatira?
uhgh.
"Ate...si..si...Ke-kendall Shing-W-waaa" pa stuterred na sinabi ni Charles. Teka kilala niya ang lalaki nato? "Oo siya nga...Paano mo alam?"
"Hello? Ate lahat ng tao ngayon kilala si Kendall! Shing-Wa yan eh! May ari ang pamilya nila ng mga luxury hotel, mall tapos top mobile carrier sila sa ASIA!!!" grabi tong si Charles. siya na updated!
Tumingin ako sakanya at nakita ko naman na nakangiti ito sa kapatid ko. Hmp! "Ba't andito ka ha?!"
Sasalita nadin sana siya pero ulit kung pinutol. "Oh baka nawawala ka? Hindi to' bahay mo alis na shoo!"
Hindi naman sa bastos ako,ayoko ko kasi andito siya dahil malamang asarin na naman ko nun sa itchura ng lugar namin at i-pagkalat sa school ang maliit na bahay namin.
"Ganyan ka ba talaga sa mga bisita mo?" Pilyo niyang sinabi. Bisita? Bakit naman pupunta siya dito sa ganitong oras? Hays lang.
"Sinong bisita?"
"Malamang ako."
Pampilosopo pa niya. "Pwes alis kana dahil hindi ako nag we-welcome ng bisita dito!" maataray kung sinabi sa kanya.
"Eh...kailangan ko ng tulong mo sa ano eh...sa " tinignan ko lang siya ng maigi at halata namang nag iisip ito ng paraan. Sira ulo talaga.
"English! Oo yun! Sama mo naman pag di mo ako tulungan." anak ng baboy, nag papa pout-pout pa siyang nalalaman.
"Ganun ba? Sige spell CAUTERIZE?"
"Psh. Dali naman. C-A-U-T-E-R-I-Z-E" pagmamayabang niya. "Bravo! Talino mo! Oh ngayon pwede ka ng umalis."
"Anong connection nun?"
"Magaling ka naman sa spelling diba, ayun."
"Ah teka! Wala pala akong alam!" sabi niya habang hinaharangan ang pinto.
"Sabihin mo gusto mo lang ako asarin! Kaya ka nandito!" akala mo ah. Alam kung aasarin lang ako ng lalaking to. Pero nasa teretoryo ko siya ngayon at ako masusunod muwahaha!
"Bawal mag lait dito. Layas!"
"Akala ko bati na tayo?"
"Ah ganun so kapag bati na tayo pwede mo na akong asarin ?" Tanong ko at tumango lang ito na naka-asar na ngiti.
"BALIW! Umuwi kana ngayon di kung di a--" Hindi ko na natapos ang sinabi ko dahil naka ramdam naman ako ng isang matigas na bagay tumama sa ulo ko!
Napahawak ako dito. Ang sakit!!!
"Mama ba't mo ginawa yun?" reklamo ko sakanya habang hinahamas ang ulo ko.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...