JACOB"Oh ba't di pa kayo nakahanda?" yan kaagad ang bukang bibig ni Kendall papasok pa lang ng chill room. Tila huminto naman ang lahat sa mga pinaggagawa nila.
Natatakot ata sa Kendall version 2.0 ngayon. Pansin kasi nila matindi na siya ngayon keysa dati.
"Chill lang bro, may isang oras pa naman tayo." sinalubong ko ito at inalokan ng soft drink. Pag dating sa basketball kasi masyado talaga siyang excited. Sabagay semi-final ngayon at dapat manalo kami para masama sa finals. Senior na kami at last year namin ito sa paglalaro. We wanna make the best out of it!
"Enjoy muna tayo captain!"
"Oo nga Capt! Halika isang round tayo!" tawag nina Kurt sa kanya habang andun siya nakikipaglaro ng video game kasama si Darrel.
"Anak ng!" pinatong nito ang soft dink sa lamesa at pinuntahan sila dun.
"Kung ipractice niyo kaya ang oras nato imbes imuk-muk niyo diyan mga mata niyo sa screen na yan! Pakain ko sa inyo ang controller eh." sita nito sakanila.
Nakakaepic mga mukha nila Darrel.
Napailing kami sabay ni Ginno. Dati parang okay pa sakanya ang gumala-gala bago ang laro. Pero ngayon iba na talaga siya, hindi ko na alam ang nangyayari sa kanya.
Simula nung bumalik kami sa Tagaytay, mas mainit na lagi ang ulo niya kesa sa araw. Madami na siyang nalalagay sa Target list. Mabadtrip lang ito ng konti, magpapa kick-out kaagad ng studyante. Abnormal talaga. Pati mga guro natatakot sa kanya, paano ba naman, sigawan mga to pag nagbibigay ng notes.
Mas lalo niyang pinandidigan ang badboy image niya. Hindi ko ba alam kung bakit lumala siya, wala naman siyang problema sa pamilya niya, sa skwelahan. O baka wala pa syang sinasabi...
Tumayo si Ginno at inakbayan si Kendall.
"Tiwala lang keej. Tatlong oras tayo nag practice kahapon kaya sigurado akong uuwi mga tigers na yun umiiyak." parang nainis naman si Kendall at kumalas sa akbay.
" Puro kayo salita."
"Sige na captain! Isang round lang naman tayo dito eh. I know you want it.." bulyaw ulit ni Kurt sa panunuksong tinig.
Napakunot noo si Kendall." Siguradohin niyo lang ah! Kung sasapol tayo mamaya, dudukutin ko yang mga mata niyo at isasabit sa flag pole."
Tumawa naman sina Kurt at Darrel, pero kita sa mga ulol na yun na natatakot ito sa captain nila. Sino ba naman hindi mangingilabot sa sinabi nito. Bumalik na naman ang mga brutal niyang pananakot, kay tagal ko ding hindi naririnig yun galing sakanya.
Habang nakatitig ako sa Kendall version 2.0 nadinig ko naman ang tawan na ginawa ni Ginno.
Kumunot ang noo niya.
" Sabihin mo nga....Ako lang ba nakapansin na nagtatampo ang tigre sa unggoy? O nababaliw ako sa pagiisip?" diin na sabi ni Ginno habang nasa kusina kami minamasdan ang kilos ni Kendall.
Napa kurap ako. " Good news bro, hindi ka baliw." tadya ko at kumuha ng tubig.
"Ano nga ba nangyayari sa dalawang yun? Paguwi natin galing sa Tagaytay tila nagkaroon ata sila ng amnesia. Hindi nagpapansinan, parang di na nila kilala ang isa't-isa." Dagdag ko at tumango naman siya.
" Ang akala ko nga, si Alex pa ang maapektohan at mag-dadramahan sa nangyari, pero mukhang si Kendall pa mismo ang nagaastang bigo at iniwan."
Ang huling araw ata nakita kung ganyan siya, nung iniwan ito nang nag iisang babae nagmamahal sa kanya.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Ficção Adolescente" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...