STELLA
"The number you have dialed is not available to pick up right now. Please try again later."
Sheet na bond paper! Ba't hindi niya kasi sinasagot ang cellphone niya! Pang sampung beses na ulit na ito, wala pa din. Nasa pilipinas pa kaya siya?
Binalik ko ang cellphone sa bulsa ko at inalog ang upuan ng driver. "Manong pwede po ba bilisan niyo ho?!" may halong taranta at pagmamakdol na saad ko sa taxi driver habang hindi ako mapakali sa kinaupuan ko.
Liningon ako nito. " Ms.Kita niyo naman na patong-patong ang mga nakalinyang na kotse sa harap natin diba?"
"Edi paliparin niyo po ang kotse! Parang-awa niyo na manong nagmamadali po talaga ako!!" para akong bata na panay ang kalas sa loob ng kotse. " Ms. Kung gusto niyo bumaba kayo at mismong kayo na ang lumipad papuntang airport!" napakamot siya sa batok niya. " Hays mga bata ngayon oh'." napailing na lang siya tsaka pinahiran ang noo gamit ang panyo sabay tingin sa harap.
Napatingin naman ako sa bintana. Hays! Kainis! Kalahating oras na kaming andito sa kalsada! Kung kelan nagmamadali ako, dun pa may humaharang. Napabuntol hininga ako, kidlatan ba naman ako ng malas at ngayon pa,
Napatingin ako sa bracelet na binigay niya.
Kung kelan bou na ang desisyon ko, doon pa sasagabal ang tadhana. Sa dami-daming pweding mangyari, traffic pa ang humarang. Tumingla ako sa relo, at narealize...20 minutes na lang ang natitira!
Mas lalo akong nagpanic at napamura sabay pinikit ang aking mga mata.
Please Kendall wag ka munang umalis....Hintayin mo muna masabi ko ang lahat sayo...
Maiyak-iyak na ako dito sa loob ng taxi sa kakahintay mag teleport ang taxi na ito sa airport!
Kasi naman eh! ang sama ng lalaking yun! Di man lang niya sinabi sakin na aalis siya! Kung kelan umamin na ako sa sarili ko at malinaw na sa akin ang lahat, dun pa siyang pumasyang aalisan ako na walang paalam!
Sana naman hindi pa ito nakalipad papuntang Paris. Wala pa naman akong pera gagamitin sakaling huli ako susundan ko siya.
Kasalanan niya to! .....Pero...Kasalanan ko din naman, kung di lang siguro ako nagdalawang isip ng nakita ko siya kagabi, di sana hindi mangyayari ang lahat ng to'! Sana....!
Sana....Alam niya na.
<<FLASHBACK>>
"Stel?" panganggat ko, ang mukha ni Alex ang tumumbad sa akin. "Anong ginawa mo dito mag-isa?" tanong niya habang umupo siya sa tabi ko. Sumandal ako sa puno. "Ang sarap kasi ng hangin dito...." nakapitkit kung sabi.
Narinig kung natawa siya ng konti. " You look happy....Im guessing everything is settled now?" nakaramdam ako ng hina tsaka tinignan siya..." Oo...K-kaso...-"
"Bakit? Anong nangyari?!" may halong alalang tanong ni Alex. Napaitim ang labi ko. Hays. Sa daming beses na iniiwasan ko silang dalawa, may isa talaga na matatagpuan talaga ako.
At si Alex yun.
" S-sinabi ko na sa kanya na gusto ko siya...." medyo nagdadalawang isip pa akong sabihin sa kanya yun, pero parang tuwang-tuwa naman ang naging reaksyon niya. "Thats Great!" kumunot ang kanyang noo. " B-bakit ganyan ang expressyon mo?....Did he changed his mind?"
Umiling ako."Nang tinanong niya ako kung sino sa inyong dalawa...." nakaramdam ako nang kadismaya tuwing naalala ko ito, lalo na ang reaksyon niya kagabi. "Ikaw ang pinili ko.." agad akong tumingin sa malayo. Oo Alam ko ang gulo ko! Pero talagang nagpanic ako sa oras na yun!
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...