ALEXTahimik lang kaming apat sa kotse. Walang kumikibo at tanging nakatingin lang sa bintana minamasdan ang paligid habang papunta kami sa puntod niya.
Panandalian ko tinitignan ang mga itchura nila at bakas sa alinlangan at lungkot ang nababasa ko. I sighed. Parang hindi ako sanay sa katahimikan, walang kumikibo ni isa sa amin.
Sabagay...Hindi ko naman sila masisisi.
Pagkatapos nangyari ang aksidente, bihira na kami magbiruan at magtawanan tuwing magkasama, hindi nadin kami lumalabas masyado. Siguro dahil hindi na namin kasama ang leader naming abnormal kaya naging payapa na ang buhay namin.
Sht. Napapaiyak na naman ako tuwing naiisip ko siya. Napabuntol hininga ako.
Dalawang linggo na lumipas na hindi siya namin nakakasama, hindi naririnig ang pagmamakdol niyang boses. Kahit ulol yun, namimiss ko padin siyang kausap.
2 weeks na lumipas pero klarong-klaro padin sakin ang trahedya, nagigising padin ako sa hating gabi tuwing naaalala ko yun sa panaginip. Tumatayo padin ang balahibo ko tuwing naalala ko ang tunog ng pagwasak ng kotse na sinasakyan namin.
" We're here." bumalik ako sa realidad sa ani ni Kysler.
Napatingin ako sa bintana at tila bumalik lahat ng alala nung araw na nilibing namin siya. Mga iyakan at hinagpis lalo ng mama niya, bumalik lahat sa isip ko.
Hininto ni Ginno ang kotse at nag park di kalayuan sa entrance ng sementeryo. Lumabas kaming apat habang bitbit ko ang sariwang bulaklak na bibigay namin para sa kanya.
Bumaba naman si Jacob habang may dalang kandila at sumunod nadin samin si Ginno at Kaysler.
Malakas ang simoy ng hangin at maaraw ang kalangitan. Perfect weather sa pag dalaw namin sakanya. Not to mention, bukas nadin pala ang pasko kaya ngayon kami nagpasya pumunta dahil may sarili naman kaming plano para mag celebrate bukas.
" Sana sinama natin si Stella."
Narinig kung sabi ni Ginno.
" I'm sure hindi naman siya papayag. Sabi nga ng mama niya ni hindi na siya lumalabas ng kwarto. Kawawa na best friend ko." mas lalong na depress ang vibe namin sa sinabi ni Jacob habang nakatingin siya sa kandila na dala-dala niya.
" You can't blame her. She's still traumatized. She needs more time to move on from the accident." dagdag naman ni Kysler.
I couldn't help but feel bad even more kay Stella. Dahil maliban sa pamilya ni Kendall, isa pa siya lumuluksa sa resulta ng aksidente. Sobra siyang nasaktan, lalo pa hindi niya matanggap-tanggap ang nangyari kay Kendall.
Naalala ko nung huling dalaw namin sa bahay niya, namumula at namamaga ang mga mata niya sa kakaiyak, hindi maipinta ang itchura niya, ni hindi niya magawang bumangon sa kwarto niya. Hindi siya yung tipong masayahin at positibong Stella.
Dahil sa nangyari kay Kendall, naghihinagpis siya at nawala ang kasiyahan niya sa buhay.
I wish we could do something to help her ease the pain she's going through. Pero alam naming lahat tanging si Kendall lang ang makakatulong sa kanya, kaya wala kaming magagawa dahil kahit anong gawin namin hindi namin siya kayang magigising.
Pilit kung tinatanong sa diyos bakit pa sakanya nangyari to? Bakit kami okay, bakit siya, ganon ang napuna? May dahilan ba ang diyos?
Pagkatapos ng ilang minuto, nakarating nadin kami sa harap ng puntod niya. Sumikip ang dibdib ko.
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...