Chapter 44- The Truth

15.9K 397 60
                                    

STELLA


Nagising ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko. Pinatay ko ito at bumalik sa paghiga. Papasok kaya ako ngayon? Ramdam ko padin medyo masakit ang ulo ko sa nangyari dalawang araw na nakalipas. Minisahe ko ito saglit. Pagkatapos bumangon na ako at tumungo sa banyo.

Napahinga ako ng malalim at naalala ang mga pangyayari.... Siguro isa yun sa pinaka nakakatakot nangyari sa buhay ko, hinding-hindi ko makakalimutan yun, tuwing naiisip ko ito, tumatayo balahibo ko.

Mabuti na lang talaga nahanap kami nina Alex kaagad. Kundi sa kanila, bugbog sarado na si Kendall ng todo.

Hindi padin maalis sa isip ko ang mukha niyang duguan. Kamusta na kaya siya?

At..

Asan na kaya ang mga duwag na gumawa sakanya nun? Si Ginno at Jacob na daw ang NAGHANDLE sa kanila. Maliban na lang kay Geoff, nakatakas daw siya. Sana kidlatin na ang lalaking yun! Ang sama niya, hindi ko naisip na ganung klasseng tao siya!

Pagkatapos ko mag banyo, lumabas na ako para kumain ng umagahan.

Dinala nila ako sa hospital nung at nilabas naman ako kaagad kasi salamat sa diyos, walang seryoso namang nangyari sa ulo ko.

Pero si Kendall....wala akong balita sa kanya. Hindi ko siya nakita sa ospital. Dahil inuwi kaagad siya ng tatlo at dun na daw pinagamot sa bahay niya.

Nakapagtataka nga kung bakit hindi siya dinadala sa ospital. Palagi na lang pinapauwi sa bahay nila at mag hire ng private doctor. Tulad nung nagkasakit siya at nung nahimatay siya, sa bahay parin nila ito dinala....Di kaya....takot siya sa mga nurse? Sa amoy ng gamot?

Pero..

Kamusta na kaya siya? Papasok kaya siya ngayon? Okay na kaya mga sugat niya? Sino kaya nag alaga sa kanya? Oo na. Nagalala na ako ng todo sa kanya. Sino ba naman hindi? Eh bugbug sarado siya kahapon ng mga unggoy na yun!

Hindi ko din maiwasang isipin ang mga ginawa at mga sinabi niya sa akin.

Ako daw kahinaan niya? Anong ibig sabihin nun? Seryoso ba siya dun?

"Anak okay ka lang ba? Hindi mo ginagalaw pagkain mo." natauhan ako ng inalog ako ni mama. Nakatunganga na pala ako sa harap nila.

"Wala ma, may naiisip lang ako." sabi ko at sumubo ng tinapay.

"Masakit pa din ba ulo mo? Sa susunod kasi magdahan dahan ka at tumingin sa dinadaanan. Yan tuloy pati puno nadamay mo." parang gusto ko tumawa sa sinabi ni mama. Kasi naman eh, parang concern pa sa puno.

Tsaka hindi ko sinabi sa kanila ang totoong nangyari.

Sa halip nag-rason ako na,nag ba-bike kami ni Thea sa park at nabangga ko yung puno.

"Opo ma, magdahan-dahan na ako sa susunod." tumango lang siya.

"Aba dapat lang. Mabuti na lang okay ang puno diba? Paano na lang kung natumba mo yun? Hays kawawa naman siguro ang puno, matigas pa naman ulo mo. At malamang magbabayad pa tayo sa gobyerno pag nasaktan mo yun. Kaya sa susunod magdahahan ka anak ha?"

"So yung puno pa talaga kawawa ma?"

"Ahh..hehe di naman anak. Ah siya kumain kapa." mama ko parang loka loka talga eh.

"Anak pakiabot ng *cough* *cough* palaman" kinuna ko ito at inabot kay papa.

"Pa nakainom kana ba ng gamot mo? Tumatahol ka na naman, kagabi pa yan." nilapag ko ito sa harap niya. "Pa, dahil semester break na namin bukas, pwede magpahinga na lang kayo ni mama dito sa bahay? Kayo na magbabantay kay Charles, at ako na yung magtratrabaho dun sa shop at maghahanap ako ng part time job." saad ko. Kawawa na kasi sila, lagi na lang gabi umuuwi at pagod galing sa trabaho nila.

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon