STELLA
Mag da-dalawang linggo na ako dito sa Shing-Wa Highschool, pero feeling ko sampung dekada ko na pinagtitiisan tong paaralan. Kung hindi lang top high school to, edi sana matagal na ako umalis.
Pero talagang pangarap ko dati pa lang makapasok sa Shing-Wa high. Hindi lang dahil sa historical building at at academic levels nila, pag nag graduate ka dito, automatikong may inflensya ang applications mo sa ano mang kolehiyo.
Hindi lang yun, maganda ang internship opportunities nila after graduation. Lalo na sa architecture and urban planning, madaming opportunities maka pag ojt sa malalaking companya, malalaki pa ang sweldo nito.
So ayun, thats why tinitiis ko.
Dahil sa pagiwas ko sa apat since last week, napansin ko rin hindi masyado nag kross ang landas ko sa kanila. Parang sinagot ng dyos ang hiling ko.
O baka yung routine kung library, classroom, bahay ay nakatulong. Hindi rin pumasok masyado yung dalawa sa classes na parehas kami, kung papasok man sila, hindi ko pinapansin at umuupo ako sa pinaka harapan.
Tuwang tuwa naman ang babaeng inask ko ng favor, tuwang tuwa katabi sila Jacob at Kendall.
Tumigil na ako sa pagmumuni-muni.Pumunta muna ako ng locker ko para kunin ang mga libro. Sasara ko na sana ito pero pag harap ko..
AY KALABAW!
Napahawak naman ako sa dibib ko bigla, paano ba naman nakatayo lang bigla ang unggoy dito! Kasama nito ang walang emotion niyang mukha.
Malamang aasarin ako nito! Di pa siya nakuntinto sa pangugulo niya sakin. Kainis, di ko siya naiwasan!
"Bakit?!" tama ba yun? Aga-aga sinisigawan ko siya. Che! Wala nga din siya paki-alam sa mga feelings ng ibang tao eh. Matapos ba naman gawin sakin yun sa mall nung isang linggo.
Hindi niya ako kaagad sinagot. Nakatitig lang sa sahig. Anong meron diyan? "Kung wala kang sasabihin, padaanin mo nga ako."angkil ko at lumakad na ako palayo sa kanya nang may sinigaw siya...
"STELLA SORRY NA!"
Automatiko ako napahinto agad...
Tinawag niya ako sa pangalan ko..Tsaka....nag SORRY? Haharapin ko nasana siya kaso nag lakad na ito palayo. Nakakapanibago..
Wee?
Si Kendall ba talaga yun?
Bihira niya lang kasing banggitin ang pangalan ko. Hindi niya ako tinawag na tigre girl O bongangera, tapos nag sorry siya!!!Kinain niya? Hindi ko alam kung sincere siya..Napa ka bilis niya kasing sinabi eh... BAKA GUILTY LANG TALAGA YUN!
Bahala siya. Akala niya sapat lang yun? Pwes hindi!
"Stell-" Hindi niya ba ako titigilan!
"Ano ba!"
NGEK! hindi pala si Kendall..si..si Alex pala. Huhu bastos ko naman. Nag pout siya.Huhu. Cute pa niya naman!
"No no! Sorry Alex ha. Aala ko kasi si ah..Wala sorry talaga!" nginitian ko siya.
Agad naman ito ngumiti. "Good morning ^_^"
"Hehe Goodmorning, pasensiya kana talaga ah"
"Okay lang yun." -sabi ni Alex. "Ah kamusta na pala tuhod mo? Sabi ni Kendall natumba ka daw sa bike mo last week." dagdag niya.
"Ah..ano...ah okay na siya hehe konting galos lang naman..Hehe" ano bayan! Lagi na lang ako nawawala at nalulutang sa mga tingin sa akin ni Alex!
BINABASA MO ANG
The Ultimate Heartthrobs & Me
Teen Fiction" Tahimik ang buhay ko. Reyna ako ng pagiging nobody sa boung mundo. Sustento na ako dun! Masaya na ako! Subalit lahat nagbago dahil nagkross ang landas ko sa pesteng 'The breakers' na yun!! Isang grupo ng apat na lalaki na naghahari sa loob ng cam...