Chapter 8- Double Trouble

20.3K 534 48
                                    

STELLA

"Sino may sabi pwede mong saktan ang GIRLFRIEND ko?

Parang malalaglag ang panga ko.

TAMA BA NARINIG KO

LUMABAS YUN SA BIBIG NI KENDALL?

Girlfriend?!

Nanlaki ang mga mata ni Skylar, para bang nakakita siya nang multo.

Ano naman nakapasok sa kokoti nang lalaki nato ?? Bat niya sinabi yun??  Naka drugs ba?

"Ke-Kendall, Anong pi-pinagsasabi mo?" sigaw ni Skylar.  Namumula siya, hindi makapagsalitang maayos, halatang gulat siya, at ako naman hindi parin makaka get-over NGANGA parin.

Tinignan ko si Kendall, nakatingin lang siya nang diretso kay Skylar.

"Oo boyfriend niya ako at kong sino mang mananakit sa kanya ay malilintek sakin" tinaasan niya ito ng kilay. HALA ano batong pinag sasabi ni Kendall! Gusto ko magsalita pero parang naka Glue na ata ang dalawang labi ko ka gulat.

"P-pero" sumulpot sakanya si Kendall "Ano may problema ka?"

"Hoy Kendall ano ba yan ang pina--sdfghjkl-" sa wakas na kapagsalita ako pero mismo si Kendall tinakpan ang bunganga ko kaya hindi ko natapos ang sinasabi ko. Pilit ko itong kunin pero napaka higpit nang pagkakatakip niya.

"Sige na umalis kana! Kapag na kita kong sinasaktan mo siya ulit. Sa target list na ang punta mo!"

Agad-agad tumakbo si Skylar, umiiyak bayon? tumawa lang si Kendall at inalis niya ang kamay niya sa bunganga ko.

"ANO BA NAM-" Sisigaw na sana ako sakanya nang bigla niyang hinawakan ang pisngi ko. Sa banda kung saan ako sinampal ni Skylar.

"Masakit ba?" Imbes gusto ko siya sana sigawan, hindi ko magawa, nakalapit kasi ang itchura niya sa mukha ko at hinahawakan niya pa ang pisngi ko, nakita ko naman sa mga mata niya na concern siya sakin. Bakit? May lagnat ba ang unggoy nato?

Bakit ganito hindi man lang ako makagalaw, at tsaka ang bumilis ang tibok nang puso ko, katulad  kaninang umaga. Kapag nakatitig ako sa mata niya pakiramdam ko FROZEN na ako.

What is happening? Siguro Gutom lang to!

"Ano ba!" tinanggal ko ang kamay niya sa mukha ko at nagulat siya.

"Bakit high blood ka? Dapat nga pinapasalamatan mo ako ngayon." Oo nga Stella!

Pero mali eh, sabi niya Girlfriend niya ako!! Sigurado akong mas lalo na akong kinakainisan ng Skylar na yun!

" Tinulungan mo nga ako pero sana hindi mo sinabihan na girlfriend mo ko!"  biglang umiba ang mukha niya. Kung kanina ang mata niya parang concern, ngayon bumalik na sa normal niyang asaring mukha.

"Haha! Bakit kinilig ka naman?" kapal naman to. "Di na bale. Dahil sa sinabi ko mas lalo ka pa nilang kaiinisan! Hahaha!" Hmp! Sarap batukan! Ang sama talaga! Sabi ko na nga ba may dahilan kung ginawa niya yun!! Nang gigigil ako sa kanya!! "At bakit ka naman masaya? Ang sama mo talaga Maka tawa ka, parang demonyo!"

"Ang sarap mo kasi asarin eh! Haha"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Para asarin ako lang pala ako ganon? At bakit naman GIRLFRIEND mo pa ang dinahilan mo? Pwede namang iba diyan. Halimbawa sigawan mo sila O di nga ilagay sila sa somewhat listahan niyong walang kwenta!" masigla kung sinabi.

Haha! Napatahimik siya bigla! Bleeh!

"Yun na ang naisip ko eh! Sa tingin mo ba easy lang sabihin yun? Parang masusuka nga ako nung sinabi ko yun eh!" Wow sakit naman nung sinabi niya. Suka agad? hindi pa pwede Gag reflex muna?

The Ultimate Heartthrobs & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon