JANXI'S POV
Isang linggo na ang nakalilipas magmula nang mapaaway si Luke sa mga lalaki. Tumayo ako saka pumunta sa vanity chair ko at umupo 'ron. Tumingin ako sa salamin, hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang nararamdaman ko. Kakaibang Luke ang nakita ko nung gabing iyon.
Nagsisisi ako kung bakit pa ako sumama kay Jenzi. Napabuntong-hininga na lang ako, napapikit ang mariin nang muli kong maalala ang nangyari nung gabing iyon.
FLASHBACK
"Sinong may 'sabing saktan niyo ito!" sigaw ni Luke sa dalawa. Nanatiling nakatingin lang ang dalawa sa kaniya sabay biglang tumawa. Yung nakakalokong tawa, tawang kahit sino ay mabwibwisit!
"Savior ka na pala ngayon Alexander" nakangising sabi ni Luke. Tumayo si Jecen at nakangising hinarap si Luke. Kahit na may dugo na ang gilid ng labi niya, hindi pa rin ito nagpatinag bagkos ay nginisian lang si Luke.
Binitawan ako ni Luke at biglang kinwelyuhan si Jecen. Hindi ko alam kung bakit ganito silang dalawa ngayon.
Napaatras na lang ako at napakapit ng mariin sa dress ko sa biglang pagsigaw ni Luke sa kaniya. "Umalis ka na bago pa mandilim ang paningin ko sa inyo!" nginisian lang siya ni Jecen.
Tinulak ni Luke si Jecen. "Grabe ang sweet niyo" nakangising sabi ni Jecen sa amin dahilan para manlaki ang mga mata ko at tumingin kay Luke na kasalukuyang seryoso lang ang mukha tila hindi man lang natinag sa sinabi ni Jecen.
"Umalis ka na," seryosong sabi ni Luke.
"Ang bilis mo naman yata pumalit ng babae Master Alexander?" sabi ng isang lalaki kay Luke at nagtawanan sila ni Jecen pero nanatiling blangko ang ekspresyon ng mukha ni Luke tila naboboring sa mga pinagsasabi ng mga kupal!
"Akala ko ba loyal si Alexander?" nakangising saad ni Jecen. "Siya na pala ang pinagpalit mo kay--"
"Ano namang pakelam mo kung siya ang ipinalit ko?" seryosong sabi ni Luke dahilan para mapatingala ako sa kaniya pero nanatiling nakatingin lang siya kay Jecen.
Hindi ko alam kung bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso ko sa hindi malamang dahilan. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis nito. Pakiramdam ko hindi ako makahinga!
Nanatiling nakangisi lang si Jecen kay Luke.
"Umalis na kayo" malumanay na usal ni Luke.
"Salamat at nagkita tayo ulit Master, hanggang sa susunod ulit, wish ko sana, magkita-kita ulit tayo ng mga kasama mo" nakangising sabi ni Jecen pero hindi na sumagot pa si Luke at tiningnan lang ito ng blangkong emosyon.
Biglang sumeryoso ang mukha ni Jecen. "Hindi pa tayo tapos, magbabayad ka sa ginawa mo" seryosong sabi ni Jecen at gano'n na lang ang gulat ko nang magtama ang paningin namin ni Jecen. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa sabay ngumisi.
Nakaramdam ako ng takot sa kaniya. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng mga tingin niyang 'yon.
Tinapik niya ang kaibigan niya sabay mabilis na tinalikuran kamj at umalis na.
Nang makaalis na ang dalawa ay bakas sa pagitan naming dalawa ni Luke ang katahimikan.
Napatingin ako sa kaniya nang maglakad ito paalis, tila bang walang nangyari. Nakapasok pa ang dalawang kamay niya sa magkabilang bulsa niya.
"Sandali" pigil ko sa kaniya at natigilan ito sa paglalakad pero hindi ito lumingon sa akin.
Napakurap ako at napahigpit ang hawak ko sa dress ko. Hindi alam ang sasabihin.
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...