CHAPTER 46

136 7 1
                                    

JANXI'S POV

"Kumusta na po siya doc?"

Dahan-dahan kong iminulat yung mga mata ko dahil sa pamilyar na boses na narinig ko. Medyo napapapikit pa ako dahil sa nakakasilaw na bumungad sa'kin.

Nasaan ako?

Nang tuluyan ko nang namulat ang aking mga mata ay tumingin ako sa paligid at nakita ko sina Cyril, Erin at Jc na kausap ang doctor.

Napatingin sila sa akin. Nanlaki yung mga mata nila sabay takbo sa akin. Hindi ko magawang ibuka yung bibig ko dahil sa sakit ng lalamunan ko.

Hindi ko rin alam kung bakit.

"Gising na si Janxi!" malakas na sabi ni Cyril. "Kumusta ka na?" tanong niya sa akin na hinawakan pa yung noo ko.

"Janxi kumusta pakiramdam mo? May masakit pa ba sa'yo?" nag-aalalang tanong ni Jc.

"Sabihin mo kung anong nangyari sa'yo?" tanong naman ni Erin.

Nakatingin lang ako sa kanila at biglang napaawang ang labi ko at kasabay ng pagbilis ng tibok ng puso ko nang may maalala ako.

Agad akong napabangon at tumingin sa paligid para hanapin yung pamilya ko.

Nasaan sila?

"Nasaan sina Mommy? Si Daddy? Si Lola? Si Jenzi?" sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

Nagkatinginan muna sila bago bumuntong-hininga saka tumingin sa'kin. Lumapit sa akin si Cyril saka mariing hinawakan yung kamay ko.

Nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya, naguguluhan sa mga ikinikilos niya. Hindi ko mawari kung bakit ganito ang kilos niya. Hindi ko maintindihan.

"Okay sila,"sabi niya na nagpawala sa akin ng mabigat na paghinga.

"Salamat," sabi ko at magsasalita pa sana ako nang may maramdaman akong kirot sa ulo ko dahilan para mapahawak ako rito.

"Ayos ka lang ba Janxi?" tanong nila. "Magpahinga ka na muna, okay na sila. Wag kang mag-alala," sabi pa ni Jc.

"Ayos lang ako medyo nahihilo lang pero mawawala rin ito." sabi ko. Nakatingin lang sila sa'kin. Bakas sa mukha nila yung pag-aalala.

Ngumiti ako sa kanila para hindi na sila mag-alala pa. Ayoko pa namang nag-aalala sila sa'kin.

"Pero hindi mawawala sa isipan ko kung anong kailangan ng mga taong  'yon sa amin." nakatulalang usal ko.

Nagkatinginan silang tatlo bago muling ibinalik yung tingin sa akin. "What do you mean by that Janxi?" tanong ni Erin.

Tumingin ako isa-isa sa kanila. Bakas sa mga itsura nila yung pagtataka pero mas nangingibabaw pa rin sa'kin yung pagtataka dahil sa mga nangyayari.

Ang daming tanong sa aking isipan ngunit ni isa ay wala akong natanggap na sagot.

Kung bakit kami ginaganito ng mga 'yon?

Sino sila?

Anong kailangan nila sa amin?

Atsaka bakit nila ako kilala?

Anong kinalaman ko sa kanila?

Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko kaya hindi na napigilan ng luha kong bumagsak. Kinakabahan ako sa mga nangyayari. Pamilya ko na ang kasali rito. Wala akong ideya kung bakit nila ginagawa sa amin ito. Hindi ko sila kilala!

"Shush Janxi. Everything's gonna be alright." pag-aalo nila sa akin.

"Hindi ko na alam... Natatakot ako," umiiyak na usal ko habang nakatingin sa kanila. "Natatakot akong baka kung saan pa umabot ito...hindi ko sila kilala." sabi ko pa.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon