JANXI'S POV
"Bakit hindi ka na maalis sa isipan ko?" bulong niya.
Nanatiling nakatitig lang ako sa kaniya. Hindi makapaniwala sa mga pinagsasasabi niya.
Anong ibig sabihin niya? Naguguluhan ako!
Pakiramdam ko huminto nang tuluyan ang paghinga ko. Bumilis din yung kabog ng puso ko.
Hindi ko siya maintindihan, hindi ko siya maunawaan!
Napalunok siya at umayos ng tayo sabay umiwas ng tingin sa akin. "K-Kalimutan mo na yung sinabi ko sayo"
Binuksan niya ang pintuan ng Detention Room at lumabas na.
Naiwan naman akong nakaawang ang labi dahil sa hindi makapaniwalang pangyayare. Napahawak na lang ako sa dibdib ko, pinapakalma ang bilis ng kabog nito.
Lumabas na din ako ng Detention Room. Sinubukang hanapin si Luke pero wala na siya. Gusto kosiyang tanungin kung ano bang ibig niyang sabihin. Ano bang nais niyang iparating sa akin bakit niya sinabi 'yon.
"Janxi, ang tagal mo naman" salubong sa akin ni Cyril pagkalabas ko ng school.
Kinalog ako ni Cyril dahilan para bumalik ako sa ulirat.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya. "Kinakausap kita kanina pa" bakas sa mukha ni Cyril yung pag-aalala niya dahil sa pagiging lutang ko.
Nagulat siya nang bigla ko na lang siya hinila. Hinila ko lang naman siys nang magtama ang paningin namin ni Luke. Hindi ko man lang namalayan na nandito pa pala sila.
"Tara na" sabi ko sabay nagmamadaling naglakad papalayo sa lugar na 'yon.
Hindi ko rin alam sa sarili ko kung bakit ako nag kakaganito. Kanina, hinahanap ko si Luke para tanungin kung anong ibig niyang sabihin at bakit niya sinasabi iyon tapos ngayong nakita ko naman siya ay lalayo ako sa kaniya. Naguguluhan ako sa sarili ko!
Sumunod naman sa amin yung dalawa at mabilis na sumakay kami ng kotse ko.
Tulala lang ako sa bintana, malalim ang iniisip.
Ano bang ibig niyang sabihin? Bakit ga'non? Naguguluhan ako sa 'yo Luke!
Hindi ko na masyadong naintindihan yung pinag usapan nila Jc. Hinatid na namin si Jc at Erin sa bahay nila.
"Bye Janxi, Cyril" paalam nila sa amin.
"Bye Jc" si Cyril na ang sumagot.
Nginitian ko lang sila saka sinarado ko na yung pinto at mabilis na pinaandar yung kotse.
Hinatid ko na din si Cyril sa bahay nila.
Bumaba na siya ng kotse at humarap sa akin.
"Ayos ka lang ba?" tanong niya, bakas sa mukha niya yung pag-aalala.
Ngumiti ako sa kaniya. "Oo naman"
"Inaway ka na naman ba ng Luke na yan?" tanong niya ulit at natigilan ako.
Hindi ko alam kung bakit kapag naririnig ko yung pangalang Luke na 'yan, naaalala ko yung nangyare sa amin kanina.
"Hindi naman" sabi ko. "Sige na magkita na lang tayo bukas, bye" hindi ko na siya hinintay pang magsalita at sinarado ko na ang pintuan.
Kumaway siya sa akin at tumango naman ako at pagkapos non ay umalis na ako.
Maya-maya lang ay nakarating ako sa bahay.
Pagkapasok ko pa lang ay nagulat ako nang makita ko yung kapatid ko na may sugat sa labi.
Kumaripas kaagad ako ng pagtakbo papunta sa kaniya. "Anong nangyare diyan?" turo ko sa labi niya at hahawakan sana kaso mabilis niyang inilayo ang sarili sa akin.
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...