CHAPTER 24

317 11 4
                                    

ERIN'S POV

Kasalukuyang nasa guest room kami ngayon ni Sid. Ibinagsak ko siya sa kama tapos tumayo ako sabay hinilot-hilot yung katawan ko. Grabe ang bigat niya talaga!

Hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa mukha niya. Unti-unti kong inilalapit yung mukha ko sa kaniya para matingnan siya ng maiigi.

Pabilis na pabilis yung pagtibok ng puso ko. Wala pa ring pinagbago yung mukha niya.

Mula sa mapupungay niyang mga mata, sa matangos na ilong hanggang sa...

Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko. Naghurumintado na kaagad ito dito nang bumaba yung paningin ko sa labi niya.

Napapalunok akong umayos ng tayo at tumalikod sa kaniya.

Maglalakad na sana ako papalabas ng pintuan para kumuha ng pang gamot nang hawakan niya yung kamay ko at marahang hinila papalapit sa kaniya dahilan para mapatumba ako sa higaan. Sa tabi niya mismo!

"Dito ka lang please" mahina munit malinaw na usal niya at natigilan ako.

"A-Ahh... Kukuha ako ng bowl para pampapunas mo" napapaiwas ng tingin na sabi ko sa kaniya. Hindi kinakaya yung sobrang lapit!

"Hindi ko kailangan ng ganyan..." Muli akong ibinalik yung tingin ko sa kaniya.

Nanatiling nakapikit naman yung mga mata niya. "Nandito ka lang sa tabi ko ay ayos na ako"

Natigilan ako sa sinabi niya. Bumilis ulit yung tibok ng puso ko. Hindi ako alam kung bakit pa ito bumibilis! Ano bang nangyayare sa'kin?!

Tumingin ako sa natutulog na si Sid. Ano bang ginagawa mo sa akin?

Napakurap ako ng marinig ko yung hilik niya. Tulog na siya!

Dahan-dahan akong tumayo para hindi siya magising. Naglakad na kaagad ako papunta sa pintuan at hinawakan ang doorknob pero bago pa ako lumabas ay muli tumingin ako sa kaniya.

Bigla na lang nangilid yung mga luha sa mata ko. Nanumbalik sa akin yung alala naming dalawa na kung saan ay masaya pa kami at... mahal pa namin ang isa't-isa.

"Baby sumakay ka na at aalis na tayo" nakangiting sabi niya sa akin.

Kasalukuyang nandito kami ngayon sa harap ng bahay namin. Nakakainis at ayoko pa sanang umalis dahil ngayon lang ako makakapagpahinga pero heto siya't dumating at susunduin ako.

"Nakakainis at ayoko gumal--"

Hindi ko na natapos yung sasabihin ko nang hawakan niya yung magkabilang pisngi ko at siniil ang labi ko.

Agad na naghurumintado yung puso ko dahil sa halik niya. Unti-unting ipinikit ko ang mga mata ko at isinabit ang braso ko sa batok niya at ginantihan ang halik niya.

Nang hindi na kami makahinga ay siya na ang kusang bumitaw sa akin. Nagtama na naman yung paningin naming dalawa. May kung anong alon sa dibdib ko dulot ng kilig sa kaniya.

Unti-unting sumilay yung mga ngiti sa labi niya. Ngiting patuloy na minamahal ko sa kaniya. "I love you" usal niya.

Inayos niya pa yung mga buhok na tumatama sa mata ko at inilagay iyon sa likuran ng tenga ko.

Napangiti ako. "I love you too"

"Let's go" yaya sa akin at tumango naman ako.

Pinagbuksan niya ako ng pinto at sumakay naman ako. Pinanood ko pa siyang sumakay sa driver seat.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon