CHAPTER ONE

913 35 4
                                    

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters,business, places, events, locales, and incidents are either the products of author's imagination or used in a fictitious manners. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

©All Rights Reserved 2020

-SAVED BY YOU 2020.

June 2010-2020

JANXI'S POV

'Hi i'm Janxillie Vestellar. Grade 12 students, maganda, mabait at higit sa lahat mapahamahal na anak. Well mabait lang ako sa mga taong mabait lang din ang turing sa akin pero hindi sa mga taong hindi mabuti at maganda ang trato sa akin. Kung demonyo sila, mas demonyo ako. Kaya kong pumatay ng tao kung nanaisin ko hahaha joke!'

Napaigtad ako sa tunog ng alarm. Agad ko itong pinatay. Bumuntong-hininga muna ako saka inihilamos ko ang aking mga palad sa aking mukha at tuluyan nang tumayo mula sa pagkakahiga.

Iniunat ko ang sarili ko at tumalon-talon pa ng tatlong beses saka dumeretso sa banyo. Matapos kong maligo ay iniayos ko ang sarili ko.

"Good morning" masayang bati ko sa kanila ng makababa ako.

Napatingin lahat sa akin sila Mommy, Daddy at yung bwisit kong kapatid na si Jenzi.

"Good morning ate" magiliw na bati din sa akin ni Jenzi. "Come join us" anyaya niya pa.

Bumuntong-hininga ako ngunit natigilan ako ng malaman na makakatabi ko sa Jenzi sa upuan.

"Diyan ako?" tanong ko. Nakangiting tumango naman siya.

Napabuntong-hininga ako.

Dalawa lang kaming magkapatid. Pero hindi pa kami magkasundo. Taliwas ang pananaw at layunin namin ni Jenzi. Siya,lagi siyang nakafocus sa pag-aaral niya samantalang ako naman ay minsan more on pagkanta at pagsasayaw ang hilig ko. At dahil sa kagustuhan ko na kumanta at sumayaw ay napapabayaan ko na ang pag-aaral ko.

Nang makaupo ako sa upuan. Isineniyas ko kay Jenzi ang kanin at ulam. Nakangiti niyang iniabot sa akin ito. Umangat ang gilid ng labi ko ng makita nakangiti ito habang nakatingin sa akin. Plastik!

"Bakit?" kunot-noong tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "Wala naman ate" sabi niya saka kumain.

Siniringan ko lang siya. Whatever!

Tumikhim si Daddy at umayos ng umupo. Pinunasan niya ang bibig niya at tumingin sa akin.

Kunot-noo naman akong tumingin din sa kanya.

"Daddy i'm so excited sa bagong school namin" nakangiting usal ni Jenzi.

Namin?

Ngumiti lang si Daddy at Mommy sa kanya.

"Bakit?" tanong ko na ngumunguya pa. Tiningnan ko silang tatlo, nakangiting nakatingin lang sila sa akin.

Humarap sa akin si Jenzi dahilan para mapatingin ako sa kanya. "Lilipat na tayo ng school" sabi niya dahilan para laking gulat akong mapatitig sa kanya. Nabitawan ko pa ang kutsara'tinidor na nakalagay sa kamay ko.

Naawang ang labi ko, tumingin ako kila Mommy at Daddy.

Lilipat na tayo ng school

Wtf!

Shit!

"What?!" inis na tanong ko sa kanila. Nakangiting tumango naman silang tatlo.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon