CHAPTER EIGHT

395 24 3
                                    

JANXI'S POV

"Ate" bungad sa akin ni Jenzi ng makauwi na ako sa bahay.

Sinimangutan ko siya kasi hindi man lang ako sinabayan umuwi.

Nanlaki ang mga mata ko nang  makita sila Mommy at Daddy pababa na ng hagdanan. Agad kong tinago ang bag ko sa likuran ko.

"Hi--" natigilan sila ng makita ang itsura ng uniform ko.

"What is that Janxi?" tinuro ni Mommy and uniform ko.

Napatingin ako kay Jenzi, nakababa na ang tingin nito.

Muli akong napatingin kila Mommy at Daddy. "Ahh--"

"What happened to your uniform Janxi?" tanong ni Daddy. Mahinahon lang iyon pero nakakadala kaagad ng kaba sa akin iyon.

"Ahhhh...."hindi ko na madugtungan ang sasabihin ko."Ano kasi..."

"Kasi?"

"Naputi--"

"Nalagyan ko ng chocolate yung damit ni Ate Daddy sorry" napatingin ako nung biglang sumingit si Jenzi at nagulat ako dahil sa pagsisinungaling niya.

Humarap siya sa akin sabay ngumiti. "I'm sorry ate" paumanhin sa akin ni Jenzi.

Jenzi?

"Sa susunod magiingat ka Jenzi anak ha" si Mommy.

"Opo Mommy sorry po ulit"

"Hayaan mo na" si Mommy. Tumingin siya sa akin. "Janxi magpalit ka na at papalabhan natin yan sa yaya para may maisuot ka bukas" usal  ni Mommy sa akin, tumingin muna ako kay Jenzi na kasalukuyang nakatingin na din sa akin,bumaling ako kay Mommy ngumiti muna ako sabay tumango saka mabilis na tinalikuran sila at dumeretso na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto ko ay agad kong iniharang ang sarili ko sa pintuan, ni-lock ko muna ito. Sunod-sunod ang naging paglunok ko.

Muli kong naalala ang sinabi ko kay Jenzi.

'Wag mong sasabihin kila Mommy at Daddy ito ha naiintindihan mo

Kailangan tayong dalawa lang nakakaalam nito'

Kailangan hindi malaman nila Mommy at Daddy ang nangyare sa school. Ayoko lang na mapaaway sila. Okay lang na mapaaway ako pero ayoko nang nadadamay sila.

Bumuntong-hininga ako saka walang ano-ano'y dumeretso na sa banyo. Pagkatapos kong maligo ay sinuot ko ang pajama ko saka tumalon papunta sa kama.

Nakatingala na ako sa kisame. Muli ko na namang naalala ang itsura ng impaktong lalaki na iyon.

'Babayaran ko yung kotse mo'

'Bibigyan kita ng 2 buwan  para mabayaran mo yung nasirang kotse ko'

'At paano kapag hindi niya nabayaran?'

'Aalis ka sa university sa ito'

'At paano kapag nabayaran ko?'

'Titigilan na kita at ako mismo ang aalis sa university na ito'

Ginulo ko yung buhok ko at napapikit ako ng mariin.

Paano ko mababayaran iyon? Shit! Dalawang buwan? Tangina dalawang buwan? Hindi ako makapaniwala! Paano ko magagawa yon? Paano ko mababayaran yon? Bakit ko ba kasi binato yon? Ang tanga tanga mo talaga Janxi! You're so stupid!

Kinalimutan ko na yung nasa isipan ko at maya-maya nakatulog ako.

KINABUKASAN napaigtad ako sa malakas na katok. Nasisiguro ko si Jenzi na naman ito. Agad akong tumayo saka pinagbuksan siya ng pinto.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon