CHAPTER 41

110 6 4
                                    

JANXI'S POV

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko matapos marinig yung sinabi niya. Parang pinupunit pira-piraso yung puso ko nang marinig ang huli niyang sinabi. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung paano ako magrereact.

Ano bang sasabihin ko?

Congrats?

Wow?

Taray?

Halo-halo na yung emosyon na nararamdaman ng puso ko. Dalawang salita na nabitawan niya ay parang sinaksak ang puso ko. Pusong kong patuloy na dumudurog nang makita kong magkatabi sila sa mismong harapan ko.

Paminsan ay sumusulyap ako sa kanilang dalawa. Kita ko sa mga mukha ni Luke yung saya habang nakikipag-usap sa 'girlfriend' niya. Kita ko sa mga mata niya yung galak at saya, bagay na sinira ko noon.

Nang mapatingin ako sa gawi nila ay nagtama yung paningin naming dalawa. Pakiramdam ko bumilis yung tibok ng puso ko at pakiramdam ko rin humihinto na yung paghinga ko sa mga oras na ito.

Nanatiling blangko lang yung tingin niya sa akin. At hindi maiwasan ng mata kong mapatingin sa braso niyang nakaakbay sa balikat ng kasama niya. Parang napupunit naman yung puso ko sa nakikita ko.

Talagang binura niya na ako sa mundo niya.

Muling bumalik yung tingin ko sa kaniya. Tingin na dati ay puno ng saya ngunit ngayon ay wala na lamang. Ang sakit.

Nasasaktan ako.

Totoong nasasaktan ako.

Ang sakit.

Ngumiti ako ng tipid sa kaniya bago iniwas yung paningin ko sa kaniya. Hindi ko kinakaya yung mga tingin niya. Para akong nadudurog sa mga tingin niya.

"Ano namang ginagawa mo sa States Janxi?" tanong ni Sid sa akin.

Napatingin silang lahat sa akin. Hindi ko alam ang isasagot ko. Naitanong na nila sa akin ito kanina pero bakit pa nila tinatanon ulit?

Lumunok muna ako bago magsalita. "Nag-aral ako roon hanggang sa makapagtapos ako and nag trabaho sa kumpanya namin," sagot ko na lang sabay kumuha ng alak at ininom ito. Huli ko nang namalayan na isang lagukan lang pala ang ginawa ko.

Tama ba ang sinagot ko? Mukhang tama naman.

"Oo nga pala noh, CEO ka na pala. Taray mo naman." sabi ni Jc sabay himapas ako ng mahina sa balikat.

"Kayo ba?" tanong ko sa kanila.

"Nagwowork na rin kami. Same-same lang kami,"sagot ni Dandy sa akin. Napangiti naman ako.

"Saan kayo nagwowork?" tanong ko.

"Sa Company ko,"

Napatingin kaagad ako kay Luke nang magsalita siya. Blangko lang ang itsura niya na para bang walang kwenta ang nasa harapan niya. Agad na naghurumintado yung puso ko. Pakiramdam ko tumigil ang mundo ko dahil sa kaniya.

At hindi ko rin maiwasang mamangha sa kaniya. Kung pwede lang sabihin sa kaniya yung gusto kong sabihin ay kanina ko pa sinabi sa kaniya.

Gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano ako ka-proud dahil sa mga narating niya na. Anim na taon ang lumipas pero parang ang bilis lang ng panahon pagdating sa akin.

"Ah, may company ka na pala," muntikan na akong mautal. "Good for you. Congrats," ngumiti ako sa kaniya pero tipid lang iyon.

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman ko ngayon. May parte na sobrang saya ko dahil sa mga narating niya pero may parte rin sa akin na nasasaktan at nalulungkot dahil hinarap niya ang mga pangarap niya na mag-isa. Hinarap niya yung mga pangarap namin sa isa't-isa nang mag-isa. Iniwanan ko siya.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon