CHAPTER NINE

359 25 4
                                    

LUKE'S POV

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na bumungad sa akin sila Mommy, Daddy at Kuya.

Nakaupo sila sa Couch tila hinihintay ako. Nang makita na nila ako ay tumayo sila at ipinagkrus ang mga braso nila at masamang tumingin sa'kin.

I sighed saka lumapit sa kanila.

Bebesuhan ko na sana si Mommy nang bigla siyang umatras,masama pa rin ang tingin sa'kin.

"Nabalitaan na namin ang nangyare sa kotse mo" sabi ni Kuya at napatingin ako sa kaniya.

"So what?" I raised my brows to him.

"So what? Are you out of your mind Luke?!" Napatingin ako kay Mommy. "1st day pa lang ganyan na kaagad ang mababalitaan ko.. How irresponsible you are Luke!" sigaw ni Mommy.

"Mom, that freaking girl ruin my car"

"And who is the owner of the car?" nakataas ang kilay na tanong ni Mommy sa akin.

Kumuyom ang palad ko. "Mom,hindi ako ang nauna, that's mud first!"

"And how am i supposed to believe you?" usal ni Mommy sabay nameywang. "Alam ko naman/namin na walang gulo na hindi ikaw ang nagsimula! Kailan ka ba hihinto sa ganito ha! Luke" inis na sabi ni Mommy at lalong kumuyom ang palad ko.

"Hindi ako ang nagsimula Mommy, that girl first! Maniwala naman kayo sa'kin"

"Maniwala na hindi ikaw ang nanguna?" napatingin ako kay Daddy nang bigla itong magsalita. Tumingin siya sa akin. "Hanggang kailan kami maniniwala na hindi ikaw ang nanguna? Kung kailan marami ka nang nabully oh sorry marami ka na palang nabully" sarkastikong sabi ni Daddy. "Hindi ka ba nahihiya Luke? Kailan ka nga ba nahiya?" seryosong sabi ni Daddy dahilan para lalong uminit ang ulo ko. "Kailan ka nga ba nahiya? Meron ka pa ba non ha?!" inis na usal ni Daddy.

Bumuntong-hininga ako. "Fine" isinuko ang dalawang kamay ko habang naatras. "Fine! Kung ayaw niyo maniwala sa akin then don't... I won't stop you!" usal ko sabay mabilis na tinalikuran sila at umakyat na papunta sa kwarto.

Padabog kong isinara ang pinto at agad na ibinato ang bag ko at isa-isa hinubad ang uniform ko at hinayaan  lang yon sa sahig hanggang sa boxer na lang ang matira at dumeretso na sa kama at humiga.

Napalingon ako sa study table ko saka mabilis na kinuha ang cellphone ko.

Sakto namang tumawag si Dandy sa akin at kaagad na sinagot ito.

"Hello"

"Oh ano nalaman na nila tito?"

"As usual!" I rolled my eyes.

"Anong nangyare?"

"Edi pinagalitan... Bwisit na putik talaga 'yon dahil sa kaniya Nasira ang lahat! Salot talaga siya!"  inis na sabi ko.

Tumawa si Dandy. "Bro easy ka lang, siya naman magbabayad diba so easy"

"Kahit na siya ang magbabayad ng nasirang kotse ko hindi pa rin siya makakatakas sa mga kamay ko!"

"Well goodluck to the both of you" tumatawang sabi ni Dandy. "Sige na goodnight bro"

"Mm" saka binaba ang phone at inilapag sa table at muling humiga.

Bumuntong-hininga muna ako habang nakatingin sa kisame, nag-iisip.

Nasapo ko ang noo ko at kinamot-kamot ang labi ko. Bwisit ka talaga Janxi! Nakakainis ka! Sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo talaga ang pagpasok mo sa university. Mali ka ng kinalaban Janxi, mali ka ng binangga.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon