CHAPTER 29

251 18 3
                                    

CYRIL'S POV 

Lahat kami ay nagulat at hindi makapagsalita nang may lalaking nakatayo sa harapn ni Janxi. Napaawang yung labi ko at hindi alam ang nararamdaman. Tumingin ako kay Janxi na nanlalaki na din yung mga mata niya habang nakatingin sa lalaki. 

"Can we dance my lady?" usal ng lalaki habang nakalahad yung kamay niya sa harapan ni Janxi habang yung isa ay nasa likuran naman. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko. Hindi rin ako makapaniwala sa mga nakikita ko.

Pero bago pa ako makapagreact ay hinila ng lalaki yung kamay ni Janxi at dinala sa gitna upang isayaw.

"Ganda ni Janxi" napapailing na saad ni Jc.

"Hmm" nakangising sabi ni Erin.

Tinaasan ko sila ng kilay pero natigilan silang pareho at gulat na nakatingin sa likuran ko. Kumunot ang noo ko at dahan-dahang lumingon sa likuran ko at gano'n na lang ang gulat ko nang makita si Dandy!

Nakangiti siya habang deretsong nakatingin sa akin. Nilingon ko naman sina Erin at Jc pero umiwas lang ito ng tingin sa akin na para bang hindi kami magkaibigan.

Muli akong tumingin kay Dandy. Nagtama na naman yung paningin namin. Pilit kong hinuhulaan kung anong meron sa utak nito pero maski isa wala akong mabasa!

Napatingin ako bigla kila Erin at Jc nang bigla itong tumayo. "Saan kayo pupunta?"

"Iihi lang ako" si Jc.

"May kakausapin lang ako sa phone." nakangiting sabi niya na isinenyas pa ang phone niya.

"Bumalik kayo ha" sabi ko.

Hindi na nila ako sinagot at mabilis na tinalikuran ako. Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang biglang hinila ni Dandy yung isang upuan at itinabi ito sa akin.

Agad na namang naghurumintado yung puso ko. Ano bang nangyayare dito?! May sapak 'yata!

"Are you okay?" ngiting tanong niya.

Umiwas ako ng tingin. "Andito ka ba naman, magiging okay kaya ako" bulong ko.

"What did you say?"

"Wala sabi ko, bakit ka nandito?"

Ngumiti siya saka nakapahalumbabang tinitigan ako. "Nothing, i want to see you then" natigilan ako sa sinabi niya.

Gusto niya ako makita?! Nakita niya na ako! Pwede na kaya siyang umalis?!

Sunod-sunod na yung paglunok ko. Pakiramdam ko nauubusan na ako ng laway dahil sa presenya at mga pinagsasasabi niya. Ano ba naman 'tong lalaking ito!

"A-Ah ganun ba?"

"Yes"

"Nakita mo na ako, pwede ka nang umalis"

Sumalubong kaagad yung kilay niya pero nanatiling yung ngiti sa labi niya. "Bakit ba inip na inip ka na paalisin ako?!"

Tumaas yung gilid ng labi ko. "Bakit ka ba kasi nandito?!"

"I told you earlier.."

"Na?" naguguluhang tanong ko.

Ano bang sinabi niya kanina?! Come on Cyril! Don't be stupid bitch!

"I want to see you"

Bakit ba iba ang epekto sa akin ng mga salitang binibitawan ng lalaking ito! Pakiramdam ko sasapian na ako nito anytime!

Bakit ba kasi gusto niya akong makita?! Parang hindi naman kami nagkikita!

Umiwas na lang ako ng tingin sa kaniya sabay kumuha ng tubig. Pakiramdam ko uminit yung pakiramdam ko, may aircon naman!

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon