JANXI'S POV
Agad kong kinuha ang bag ko ngunit natigilan ako ng hindi ko ito makuha. Puilit-ulit ko ito hinihila ngunit sumasama pati yung upuan.
Bwisit! Nakatali yung bag ko sa upuan! Bwisit SHIYA!!!!
Agad na umakyat na naman ang dugo ko sa ulo ko dahil alam ko na kung sinong may gawa nito.
Inis na tumingin ako sa lalaking nakaaway ko saka sinugod siya. Mas lalo pang uminit ang dugo ko nang makita ko na naman siyang nakangisi.
Pinipikon talaga ako neto eh!
Akala niya kilala niya ako!
"Bwisit ka talaga eh noh!" sigaw ko sa kanya sabay na dinuro siya. "Inaano ba kita?!" sigaw ko sa kanya.
Inosente niya naman akong nilingon sabay ngumisi. "Ano bang ginawa ko sa'yo?" nakangising tanong niya sa akin.
Tinuro ko yung bag na nakatali sa upuan. "Bobo ka ba o sadyang inutil lang!" sigaw ko sa kanya. "Tingnan mo ginawa mo oh!" sigaw ko sa kanya habang ang kamay ko ay nakaturo don sa bag ko na nakatali.
Inosente niya naman iyon tiningnan saka muling tumingin sa akin. "Anong gagawin ko diyan?" nakangising sabi niya.
Tinulak ko siya dahilan para matumba siya. "Gago ka talaga eh noh!" sigaw ko sa kanya. "Sa tingin mo ba matatanggal ko yang bag ko kung gayong buhol-buhol!" sigaw ko sa kanya.
Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingala sa akin.
Nagulat ako nang bigla siyang tumawa,nakakalokong tawa, nakakabuwisit na tawa. Tumayo siya sabay pinagpag ang pantalon niya saka nakapamulsang hinarap ako.
Ngumisi siya." Ang tapang mo naman" nakangising sabi nung lalaki sabay tumingin sa isang kaibigan niya na tumatawa din. "Matapang pala ang putik noh!" natatawang sabi ng lalaki sa kaibigan niya.
Nakangiting hinarap niya ako ulit sabay unti-unting sumeryoso. Nagulat ako ng bigla niya din akong tinulak. "Eh gago ka rin pala eh noh!" sigaw niya sa akin.
Inis na tiningala ko siya. Tumayo ako sabay hinarap ulit siya. "Tarantado ka din talaga eh noh!" sigaw ko sa kanya.
Ngumisi siya. "Huh? Ako tarantado ha? Gago ka ba! Kilala mo ba kung sino yung binabangga mo?" nakangising sigaw niya sa akin.
"Bakit ako ba kilala mo? Ha? Abnormal ka pala eh!"
Tumabi sa lalaking impakto ang isang lalaki. Nasisiguro kong kaibigan niya din ito. "Tama na Lu--"
"Shut up!" sigaw sa kanya ng lalaki dahilan para matahimik siya.
Hinarap ako ng isang lalaki. "Miss umalis ka na lang" mahinahong usal ng lalaki sa akin. Tumingin ako ng masama kay impakto sabay padabog na tinalikuran sila.
Lumapit ako sa upuan ko sabay inalis ang pagkakabuhol sa bag ko. Mahirap siyang tanggalin. Kaya nagdesisyon na akong putulin ito. Kumuha ako ng gunting saka walang ano-ano'y pinutol din ito.
Tumayo ako saka muling humarap sa tatlo. Pare-pareho silang nakakunot ang noo habang nakatingin sa akin pero sa lalaking nasa gitna ang hindi ko nagugustuhan.
Oo may itsura siya, oo malakas ang dating niya, oo malakas appeal niya pero walang silbe ang mga ganon sa kanya dahil sa ugali niya. Ugaling basura, ugaling putik, ugaling nakakabwisit!
Nakita ko pa kung paano bigla na namang ngumisi ang lalaking impakto habang deretsong nakatingin sa bag ko.
Itinabingi niya pa ang ulo niya habang nakatingin don tila nang-aasar.
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...