CHAPTER 48

98 6 1
                                    

JANXI'S POV

"Wag kang mag-alala Alexander. Ligtas naman siya sa'kin." natatawang saad ni Jecen sa telepono.

Patuloy lang sa pag-agos ng luha sa mata ko at nanginginig na rin ang aking katawan dahil sa nangyayari.

Masyadong mabilis ang pangyayari. Halo-halo na ang emosyon ko. Nanatiling nakatingin ako kay Jecen na nakangisi habang kausap sa telepono ang taong mahal ko.

"Gusto mo patayin ko na 'to?" natatawang tanong niya.

Nanigas yung katawan ko at nanlalaki yung mga matang nakatingin ako sa kaniya. Bahagya ring bumilis yung tibok ng puso ko dahil sa narinig ko.

No! Hindi! Hindi nila ako papatayin! No!

Biglang sumeryoso yung anyo ni Jecen."Pumunta ka dito. Ipapadala ko sa'yo yung address. Wag na wag kang magtawag ng pulis Alexander... Wag na wag" nagpakawala siya ng hininga. "Dahil hindi mo magugustuhan kapag naabutan mo yung nobya mo rito na wala nang buhay." nakangising sabi niya. "Hihintayin kita," aniya saka binaba yung telepono.

Pagkatapos ay humarap siya sa akin, nakangisi. "Kumusta pakiramdam mo?"

"Hayop ka!" sigaw ko sa kaniya. "Bakit mo ba ginagawa sa'kin ito?! Bakit mo ba ginagawa sa'min ito?!"

Nawala yung ngisi sa labi niya at napalitan iyon ng seryosong mukha.

Nagtungo siya sa upuan, kaharap ko saka umupo roon. Ipinagkrus niya yung braso niya bago nakangising tumingin sa akin.

"Bakit hindi mo tanungin 'yang magaling mong pamilya?"

Natigilan ako.

Bigla na lang bumilis yung tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay sasabog na ito. Patuloy pa rin sa pagtulo yung luha sa mata ko habang nakatingin sa kaniya.

Pamilya?

Bakit anong ginawa ng pamilya ko sa kaniya?

"Anong ibig mong sabihin?"

Tumawa siya. "Kawawa ka naman, hindi mo alam kung anong nangyayari." bahagya pa siyang bumuntong-hininga bago muling tumingin sa akin. "Pero maiba tayo... Alam mo ba yung dahilan kung bakit ka nila pinapunta sa ibang bansa?" nakangising tanong niya.

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon. Gulong-gulo na ako.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Hindi ko maintindihan kung anong nais niyang iparating.

At hindi ko rin alam kung paano at kanino niya nalaman ang tungkol sa pag-alis ko papunta sa ibang bansa.

"Umalis ako dahil 'don nila ako pag-aaralin!" sigaw ko sa kaniya ngunit tumawa lang siya.

"Putangina kawawa ka talaga Janxi." natatawang saad niya.

Gusto kong sumugod sa kaniya ngunit nakatali ang mga parehong kamay at paa ko.

"Hayop ka!" sigaw ko na lang sa kaniya. Ang luha ay walang tigil sa pagbagsak sa mata ko.

"Nakakakita ka ba?" tanong niya. Natahimik ako. "Kasi pakiramdam ko bulag ka... Bulag ka sa katotohanang nakatago sa likod ng pinakamamahal mong pamilya," aniya sabay himapas yung lamesang nasa tabi niya. "Tangina!" galit na sigaw niya.

Lalong bumuhos yung luha sa mata ko. "Ano bang kailangan mo sa amin?!"

Nawala yung galit sa mata niya at dahan-dahang lumapit sa akin. Lumuhod pa siya para magpantay kami. "Buhay. Buhay ang kailangan ko." ngumisi pa siya na parang demonyo.

Iniwas ko yung mukha ko nang hawakan niya yung baba ko. "Pero bago ko muna kunin yung buhay na 'yon. Gusto ko munang paligayahin niya ako." sabi niya.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon