CHAPTER 44

142 8 0
                                    

JANXI'S POV

"Malapit nang matapos yung shooting natin dito, anong balak niyo bukas? Swimming?"

Nanatiling nakayuko lang ako habang nag-uusap silang lahat. Wala yung lalaking iyon dito dahil umalis at may emergency raw. Hindi ko na siya kinakausap dahil sa hiyang nararamdaman ko.

Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung katagang binitawan niya nung nakaraang araw.

Anong ibig niyang sabihin? Bakit niya ayaw niya akong patigilin? Mahal pa niya kaya ako?

Imposible, imposible yung naiisip ko. Imposibleng mahal pa niya ako.

Pero hindi rin maalis sa isipan ko yung mga halik niyang nagpapabuhay sa bumibigo kong puso.

"Okay ka lang?"

Napatingin ako kay Erin nang magtanong siya. Tumango ako sa kaniya. "Yeah, why?"

Bumuntong-hininga siya. "Wala lang." humalukipkip siya. "Siya pa rin ba iniisip mo?"

Tumingin ako sa kaniya. Alam ko na kung sino yung tinutukoy niya at nang maalala ko yung nangyari nung nakaraan ay sadyang bumilis na naman yung tibok ng puso ko.

Dahan-dahan akong tumango bago umiwas ng tingin sa kaniya. "Janxi," She whispered.

Alam kong pati rin sila ay nahihirapan na dahil sa aming dalawa ni Alexander at ayokong madamay pa sila dahil sa problema naming dalawa ng lalaking 'yon.

"Alam kong mahirap ang nangyayari dahil alam kong mahal na mahal mo pa siya pero..." huminto siya dahilan para mapatingin ako sa kaniya. Bumuntong-hininga muna siya bago magsalita. "Pero may iba na si Luke at ayokong nakikita kang nahihirapan," usal niya.

Natigilan naman ako bago umiwas ng tingin sa kaniya. Parang piniga naman yung puso ko dahil sa sinabi niya. Oo, tama 'yon. Tama yung sinabi niya.

May iba na si Alexander. May mahal na siyang iba.

Pero muli akong tumingin sa kaniya."Ang sakit Erin. Sobrang sakit," nagbabadya na naman yung luha sa mata ko. 

"Oo, Janxi alam ko 'yon pero paano kung..."

"Paano kung wala na siyang nararamdaman sa akin?" tanong ko. Hindi siya nakasagot sa akin at napayuko na lang.

Namalayan ko na lang yung luhang bumagsak mula sa mata ko. Parang pinupunit yung puso ko dahil sa sakit. "Mahal na mahal ko siya," wala sa, sariling usal ko. "Kahit na wala na siyang nararamdaman sa akin, mahal na mahal ko pa rin siya,"

"Janxi... ayaw lang namin na masaktan at mahirapan ka." usal niya.

"Bakit sa tingin niyo ba hindi ako nahihirapan noon? May nagbago ba?" lumuluhang tanong ko.

Bakas sa mga mukha nila yung awa sa akin. Alam kong nag-aalala sila sa akin dahil ayaw lang nila na mahirapan ako pero anong magagawa nila... Mahal ko si Luke.

Pinunasan ko yung luha sa mga mata ko at tumayo bago tinapik ang balikat niya. "Salamat, mauuna na muna ako sa taas. Magkita na lang tayo bukas," ngumiti ako sa kanila bago sila tinalikuran.

Habang naglalakad ako ay hindi na napigilan ng mata ko na pabagsakin yung luhang kanina pa gustong kumawala rito.

Ang sakit sa dibdib. Ang sakit sa puso. Parang sinasaksak ako ng paulit-ulit. Walang tigil na saksak sa puso ko.

Bakit niya ako hinalikan? Kung hindi niya na ako mahal, bakit niya ginawa sa akin 'yon?

Muli ko na namang naalala yung halikan naming dalawa. Ramdam ko sa bawat halik niya yung pagmamahal na matagal ko nang sauladong-saulado ko sa kaniya.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon