CHAPTER 42

146 6 5
                                    

Play 'Wala na Talaga' by Klarisse De Guzman while reading this:)

Credits sa gumawa nito. Thank you so much. Napaka angas!!

JANXI'S POV

Isang linggo na ang nakalilipas nang huli kong makita si Luke. Simula nun ay hindi ko na siya nakita man lang. Siguro ay busy na siya. Nabalitaan ko rin na nag vacation trip silang dalawa ni Keisha. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko non.

Lumalamang lang sa puso ko ay pagkainggit sa kaniya. Sana ako na lang yung kasama ni Luke doon. Sana ako na lang. Sana ako pa.Sana ako yung nasa posisyon ni Keisha. Sana ako pa yung mahal niya.

Nakaramdam naman ako ng kirot sa puso ko nang maalala yung isang salita na sinabi niya sa akin na siyang nakapagpadurog sa puso ko at nakapagpabagsak ng mundo ko.

Nandito ako ngayon sa opisina ko. Nakaupo habang nakapangalumbaba. Aksidente namang tumama yung paningin ko sa litrato naming dalawa. Parang sinasaksak yung puso ko dahil sa masasayang alaala na bumabalik sa isipan ko. 

Bakit ba ako pinapahirapan ng tadhana? Bakit ba ako sinasaktan ng ganito? Bakit yung taong importante sa buhay ko ay nawala? 

Hanggang ganito na lang ba ako? Hanggang kailan ako iiyak? Hanggang kailan ako magdurusa?

"Mahal na mahal kita Alexander, sobrang mahal na mahal kita." I sobbed. "Kahit na sinabi mo sa mismong harapan ko yung nararamdaman mo. Mahal pa rin kita." huminga muna ako ng malalim at muling nagsalita habang nakatingin sa litrato naming dalawa. "Patawarin mo ako kung hindi ko natupad yung mga pangarap natin sa isa't-isa. Patawarin mo ako kung hindi ko nagampanan yung mga pangako natin sa isa't-isa. I love you baby"

Agad kong pinunasan yung mga luha sa mata ko nang biglang may kumatok. "Come in" bumukas yung pintuan at iniluwa si Nics, secretary ko. "Yes?" 

"Mr. Dimagiba wants to talk to you" 

"Papasukin mo siya," sabi ko at tumango naman siya bago tumalikod sa akin at lumabas ng opisina ko.

Napabalik lang yung tingin ko nang pumasok si Mr. Dimagiba. Tumayo ako at inilahad yung kamay ko sa kaniya. 

"Good afternoon Sir-"

"Janxi kailangan kitang makausap ng masinsinan" seryosong sabi niya. Natigilan naman ako. 

"H-Have a sit Sir" itinuro ko yung upuan at umupo naman siya roon. Umupo rin ako sa swivel chair ko at hinarap siya. "Ano pong kailangan nating pag-usapan?"

"Tatapatin na kita Janxi." usal niya at bigla akong kinabahan. "Bumababa na yung ratings ng kumpanya natin" usal niya at natigilan ako. Hindi ako makapagsalita. "Bumabagsak na yung kumpanya natin Janxillie." 

Natigilan ako lalo. 

"Kailangan natin ng tulong ng Kardon Company." napabalik yung tingin ko sa kaniya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa mga oras na 'to. Parang may nakabara sa lalamunan ko at hindi ko magawang makapagsalita. 

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon