CHAPTER 37

131 6 2
                                    

JANXI'S POV

"Are you okay?" nakangising tanong ko sa kaniya. "Are you really okay?" dagdag ko.

Nanatiling nakanguso siya sa akin habang minamasahe yung pwitan.

Mabuti na lang at hindi namin natuloy yung sinasabi niyang giyera dahil kumatok yung yaya namin para sabihin na nakarating na si Jenzi sa bahay.

Hindi ko rin maintidihan ang sarili ko kung bakit ko pinayagan ang sarili kong magpadala sa kaniya. Naiinis ako sa sarili ko dahil kahit itanggi ko man, nagustuhan ko.

Shit! Yung mga ungol ko! Ano yun?!

Pakiramdam ko ibang babae ako nung mga oras na 'yon! Saan ko natutunan 'yon?! Oh my gosh Janxillie!

Muli kong inalala yung mga galaw, kagat, halik, ungol ko! Jusko po! Para akong ibang babae! Wild!

"Ang sakit kaya niyon noh!" singhal niya sa akin. Natawa naman ako sa kaniya. Talaga nga namang masakit talaga yung pagkakahulog niya sa sahig. Nauna pa pwitan. Hardcore din 'yon.

"Wag ka nang magalit sa akin." nakangiting usal ko sabay sumeryoso. "Atsaka hindi naman ako papayag na matuloy yung sinasabi mong 'giyera' noh. Masyado pa tayong mga bata. Hindi pa ako handa para sa ganon. Tsaka na natin gawin yun kapag kinasal na tayo" I rolled my eyen then i crossed my arms over my chest.

"Hindi ka pa handa sa lagay na 'yun baby ha" natatawang sabi niya sabay umupo sa tabi ko. I glared at him. "Yung mga ungol mo ng—" tinakpan ko yung bibig niya para pigilan sa sasabihin niya.

Pakiramdam ko nag-init yung magkabilang pisngi ko nang maalala na naman yung nangyari kanina. Hindi ko alam kung bakit ganon na lang ako umungol. Ngayon ko lang napagtanto yung ginawa ko.

Jusko po Janxillie!

"Wag mo nang ituloy yung sasabihin mo. Naintindihan ko na" sabi ko. Natatawang inalis niya yung kamay kong nakaharang sa bibig niya sabay ngumisi sa akin.

"Masarap ba?" tanong niya bigla.

Pinanlakihan ko siya ng mata sabay kinuha yung unan at hinampas sa kaniya. Iniharang niya naman yung braso niya habang tumatawa.

Nakakainis 'tong lalaki na ito. Bakit ganon yung mga tanungan niya?!

Alexander!

"Why baby? I'm just asking" tumatawang aniya sabay kinuha yung unan na hinahampas ko sa kaniya.

"Bwisit ka, ganyan pa yung mga tanong mo!" asik ko sa kaniya.

Patuloy lang ako sa paghampas sa kaniya habang isinasangga niya yung sarili niya sa akin. Takot na masaktan sa mga hampas ko.

Pakiramdam ko sobrang bilis na ng tibok ng puso ko. Siguro kung titignan ko yung itsura ko sa salamin. Para na siguro akong kamatis dahil sa sobrang pula ng pisngi ko.

Nakakahiya naman kasi 'yon.

Napatigil lang ako nang hawakan niya yung braso ko at hilain ako papalapig sa kaniya. Binihag niya kaagad ako ng yakap. Ibinaon ko naman yung mukha ko sa dibdib niya. Rinig ko yung bilis ng tibok ng puso niya.

"I love you" he whispered then he kiss my forehead. "Mahal na mahal kita Janxi at mas mamahalin kita habang nabubuhay ako." usal niya.

Iniangat ko naman yung ulo ko para tingnan siya. Bumaba naman yung tingin niya sa akin at ngumiti. "Ang O.A mo naman, akala mo naman mamatay ka na kaagad. Walang ganon" nakangiting sabi ko sa kaniya.

Muli niya akong niyakap. "Hindi ko naman hahayaan na mangyari 'yon. Magpapakasal pa tayo and magbubuo ng sariling pamilya. Sabay nating aabutin yung mga pangarap natin." napangiti na lang ako sa sinabi niya.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon