CHAPTER TEN

350 21 3
                                    

LUKE'S POV

Napakunot ang noo ko nang makita ang bago namin kaklase. Maganda siya, maputi, katamtaman lang ang height at higit sa lahat ay perpekto ang labi. Hindi ko alam kung bakit pag nag dedescribe ako ng isang tao ay hindi nawawala ang labi. Gano'n ba ako kauhaw sa labi? Tss!

Cyril pala ang pangalan niya, pati pangalan ay maganda ngunit hindi siya pasok sa mga gusto ko.

Ngunit gano'n na lang ang gulat ko nang umupo siya sa tabi ni Janxi. Agad akong napalingon kila Dandy at Sid na kasalukuyang nakatingin na din sa kanila.

Agad na tumaas ang isang kilay ko nang makitang naglalandian pa sila habang nagsusulat si Miss Alliver sa pisara. Umangat ang gilid ng labi ko sabay napailing na lang.

Napangisi ako nang lumingon si Janxi sa gawi namin. Lumipat lang ang tingin ko sa Cyril na 'yon. Inosente niya lang ako tiningnan dahilan para mawala ang ngisi ko. Mukhang mabait hindi katulad ni Janxi, pangit na nga..nagmamaldita pa.

Iniwas ko ang paningin ko sa kanila saka muling tumingin sa pisara.

Pagkatapos magsulat ni Miss Avillar ay nagsimula na siyang magklase. Maya-may lang din ay natapos na ang klase.

'Break time'

Tumayo ako saka nag-ayos ng mga gamit. Ipinasok ko ang notebook ko at ballpen ko sa bag.

"Tara Cyril ililibot ka namin dito sa university na ito" dinig kong sabi nung bakla dahilan para matigilan ako sa ginagawa.

Palihim akong sumulyap kila Dandy at Sid. Bagaman abala sila sa pag-aayos ng gamit,batid kong nakikinig din sila sa usapan nila Janxi.

Agad na sumalubong ang kilay ko, hindi ko gusto ang tono ng boses ng baklang iyon dahil alam kong nagpaparinig siya!

Nag-angat ako ng tingin sa kanila at aksidenteng magtama ang paningin namin ni Janxi. Gano'n na lang ang gulat ko nang makita siyang ngumiti pero unti-unti nawala ang ngiti niya nang magtama ang paningin namin. Napalitan iyon ng seryosong mukha.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh?! Problema mo? Mud!" tanong ko sa kaniya dahilan para mapatingin silang lahat sa akin.

Napangiwi siya saka inirapan lang ako at muling bumaling sa mga kaibigan niya. "Tara na nga baka makain pa tayo ng halimaw" usal niya dahilan para uminit ang pandinig ko at manlabo ang paningin ko sa kaniya.

"What did you say?!" inis na sabi ko. Lumingon lang siya sa akin saka muling tumingin sa mga kaibigan at yakagin ito umalis.

Ngunit agad na natigilan ako nang makita si Cyril na nakatingin sa akin,nakaramdam kaagad ako ng ilang sa kaniya pero hindi ko iyon ipinahalata sa kaniya.

Nanatiling magkatitigan lang kaming  dalawa. Agad na nagsalubong ang kilay ko nang itaglid niya ang ulo niya ang pagmasdan ako sabay ngumiwi na animong nandidiri sa akin.

'Anong problema neto?'

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh? Problema mo din? Anong ginaganyan-ganiyan mo?" sunod-sunod na usal ko sa kaniya.

Umayos siya ng tayo sabay bumuntong-hininga. Ipinasok niya pa ang mga kamay niya sa bulsa ng palda niya sabay seryosong tumingin sa akin. "Sayang gwapo ka pa naman kaso ang pangit mo" nakangising sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko at uminit ang ulo ko sa kaniya.

Magsasalita na sana ako nang bigla niya na lang ako talikuran at sumunod sa mga kasama na nagbubungisngisan pintuan maliban kay Janxi na nakangising nakatingin din sa akin.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon