CHAPTER SEVENTEEN

347 19 0
                                    

JANXI'S POV

"Dahil nagseselos ako!" sigaw ni Luke dahilan para matigilan ako kasabay ng panlalaki ng mata ko.

Pakiramdam ko nanigas lahat ng parte nbg katawan ko, pati utak ko nag shut-down!

Nagseselos siya? Bakit? Bakit siya nagseselos?

Muli siyang tumingin sa akin."Wag ka nang lalapit sa akin, tandaan mo na hindi na tayo magkakilala pa" usal niya saka mabilis na tinalikuran ako at naglakad papalayo.

Nilingon ko siya pero huli na dahil nakalayo na siya. Napahawak ako sa dibdib ko. Hindi ko maintindihan yung nararamdaman ko ngayon. Pabilis na pabilis yung tibok ng puso ko, parang kaunti na lang at sasabog na ito.

Napagdesisyonan ko na umuwi na lang dahil sa hindi makapaniwalang nangyayare. Nagpasundo na lang ako, hindi ko alam kung ano bang nangyayare sa 'kin. Hindi ko rin alam kung anong nangyayare kay Luke.

Pagkarating ko sa bahay, agad akong umakyat sa taas at tumungo sa kwarto ko.

Basta ko na lang nilapag kung saan yung bag ko. Naghubad na ako saka naligo na at nagbihis.

Pagkatapos non ay humiga na ako. Binuksan ko muna yung cellphone ko at natigilan ako nang makita ko yung post ni Luke.

Sinara ko kaagad yung cellphone ko at inilagay sa lamesa. Hindi ko alam kung bakit bumilis na naman yung tibok ng puso ko. Ano bang nangyayare sa akin? Bakit ganito? Hindi ko siya maintindihan! Hindi ko maintindihan si Luke! Ano bang nangyayare sa kaniya!

Dahil nagseselos ako!

Dahil nagseselos ako!

Dahil nagseselos ako!

Dahil nagseselos ako!

Nagpaulit-ulit 'yon sa tenga at isipin ko yung mga salitang binitawan niya kanina. Ano bang ibig niyang sabihin?! Bakit siya nagseselos?! Ano bang nangyayare?! Potangina!

Bumuntong-hininga ako at humiga na lang ulit.  Maya-maya lang sy nakatulog na ako.

Dumaan ang huwebes at biyernes. Nakakulong lang ako sa bahay. Bababa lang ako kapag kakain tapos aakyat na ulit. Pakiramdam ko hinang-hina ako, hindi ko alam kung bakit!

Hindi pa rin mawala sa isipan ko yung nangyare sa amin ni Luke. Gusto ko siyang kausapin kaso ang sabi niya ay huwag na akong lalapit sa kaniya.

Hindi ko alam kung paano ko pa siya kakausapin.

Hindi ako mapakali sa kama, tatayo tapos hihiga ulit ako.

"Argh!" sinabunutan ko yung sarili ko dahil hindi mawala sa isipan ko si Luke. Bakit ba ayaw niyang maalis sa isipan ko?! Nakakainis na ha!

Umupo ako sa study table ko at kiniha ang cellphone ko para tawagan si Cyril. Bored na bored na ako at gusto ko nang lumabas.

"Hello?"

"Hello Cy,"

"Oh napatawag ka?"

"Pwede ka ba lumabas ngayon?" tanong ko sa kaniya.

Nadinig ko siyang tumawa, narinig ko rin yung pag-agos ng tubig, naghuhugas ito ng plato.

"Saan naman tayo pupunta?" tanong niya.

"Basta diyan, diyan lang" usal ko.

"Sama natin sila Bakla" usal niya.

Oo nga pala, mas mabuti nga palang isama ko sila Jc at Erin para magkaroon na kami na magkasama kaming apat.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon