LUKE'S POV
Hindi ko maintindihan ang sarili ko kung bakit ayun ang idinahilan ko sa Teacher namin. Habang paulit-ulit kong naiisip iyon, nandidiri ako. Diring-diri ako!
Pagkatapos magpaalam sa amin si Sid na magccr daw siya. Dumeretso na kami sa Canteen.
Natigilan ako nang makita ko si Janxi na masama ang tingin sa akin. Nginisian ko lang siya.
Dinaanan lang namin sila at nagtungo na kami sa Line para umorder.
Napatingin kami sa gilid namin nang biglang may lumapit na tatlong babae. Puro mga nerd. Nginitian ko lang sila.
"L-Luke p-pwede mag pa-picture?" tanong ng isang babae na isinenyas pa ang cellphone niya.
"Sure" nakangiting sabi ko.
Nagtilian sila dahil sa ganon saka lumapit sa akin at nag papicture. Mag papapicture din sana sila kay Dandy pero hinindian sila neto.
Nang makaalis na ang babae ay aksidenteng nagtama ang paningin namin ni Janxi. Sumalubong bigla ang kilay niya, kaunti na lang magdidikit na ito. Nginisian ko siya saka mabilis na iniwas ang paningin sa kaniya at umorder.
Dalawang carbonara at dalawang bottled water ang inorder ko.
"Para kanino yung isa?" tanong ni Dandy habang naglalakad kami papunta sa table namin.
Hindi ko siya sinagot at tanging ngisi lang ang lumabas sa labi ko.
Nang makapunta na kami sa table namin. Inilapag ko don ang tray ko at kinuha ang isang plate ng carbonara at bottled water.
"Hoy saan ka pupunta?" tanong ni Dandy.
Naglakad ako papunta sa table nila Janxi. Pare-pareho silang busy sa kababasa ng libro.
Napatitig siya sa pagkain na inilapag ko sa harapan niya ang dala ko.
Nag-angat siya ng tingin sa akin at nanlaki ang mga mata niya nang makita ako. Agad na sumalubong ang kilay niya.
"Ano 'to?!" inis na tanong niya.
"Tanga ka ba, pagkain malamang!" seryosong sabi ko.
"Bakit mo ako binibigyan ng ganito?" tanong niya ulit.
Umupo ako sa tabi niya dahilan para mapaigtad siya at umurong nang kaunti sa akin.
"Ano ba! Dun ka nga!" itinulak niya ako pero nagmatigas ako. Nginisian ko lang siya.
"Grabe ka namang mangtaboy sa boyfriend mo---" hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ko nang bigla niyang takpan ang bibig ko.
"Tangina, manahimik ka nga baka mamaya may makarinig!" inis na bulong niya sa akin.
Hinawakan ko ang kamay niyang nakalagay sa bibig ko at hinaplos ito. Nanlaki ang mga mata niya sabay bitaw ng kamay niya sa bibig ko. "Kadiri ka!"
Sarkastikong natawa ako.
"Ano ba yan, nag-aaral kami eh!" asik bigla ng kasama niyang bakla.
Seryosong tinitigan ito. "Pakelam ko," ngising usal ko at sumama ang tingin niya sa akin.
"Hoy Luke, umalis ka na nga lang dito, kung mantitrip ka lang, sa iba ka na lang dahil nag aaral kami.. Wag kang istorbo!" sigaw niya pero hindi ako nagpatinag at tinitigan ko lang ito.
"Pag mamay-ari naman namin ito eh" nakangising sabi ko.
"Edi sa inyo na, saksak mo sa baga mo" asik niya saka muling nagbasa sa libro. Hindi ko na siya pinansin at muling tumingin kay Janxi na masamang-masama na ang tingin sa akin.
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...