CHAPTER SIXTEEN

363 17 0
                                    

JANXI'S POV

Pagkatapos ng klase ay agad kong hinanap kung saan ang Detention Room na iyon. Ewan ko ba kung bakit doon pa kailangan magkita, pwede naman sa cafeteria, pwede din naman sa gate lang bakit kailangan sa Detention Room pa. Para naman kaming kinukulong dahil doon.

"Ahh Miss, saan po yung Detention Room dito?" tanong ko sa babae nakasalubong ko.

Ngumisi siya sa akin dahilan para manlaki ang mga mata ko. Napakurap ako ng dalawang beses. "Dun po sa second floor ng building C" sabi niya.

Bago pa ako magpatuloy maglakad ay tumingin ulit ako sa kaniya pero hindi na siya nakalingon sa akin at nagpatuloy na lang maglakad. Nakapamulsa pa ito.

Napailing na lang ako saka dumeretso sa Building kung saan ang Detention Room.

Pagkapasok ko sa loob ay agad akong natigilan at nanlaki ang mga mata ko nang makita si... Luke?

Anong ginagawa niya dito? Siya ba nagsulat nito? Bakit siya nandito? Takte!

Napalingon siya sa akin at nagulat din siya nang makita ako. Agad niyang iniwas ang paningin niya sa akin at bumuntong-hininga.

Lumapit ako sa kaniya. "Anong ginagawa mo dito?!"

Napalunok siya. "Ikaw? Ano bang ginagawa mo dito?"

"Ano bang pakelam mo!" sigaw ko sa kaniya.

"Ang sungit naman neto?" nakangising sabi niya, lalong uminit ang ulo ko. Siya ba nagsulat nito? Siya ba ang nagsabi ng...

Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya kaya naman napakunot ang mga noo niya.

Lumapit ako sa kaniya at nanlaki ang mga mata niya nang kuwelyuhan ko siya bigla. Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya. Inis ko siyang tiningnan at bakas pa rin sa mga mukha niya ang gulat dahil sa ginagawa ko sa kaniya ngayon.

"Ang lakas mo talaga man-trip noh!" sigaw ko sa kaniya sabay itinulak siya dahilan para mapasandal siya sa lamesa na nasa likuran niya.

Nanlaki ang mga mata niya. "Ano bang pinagsasasabi mo ha?! Baliw ka na-"

"Mas ikaw yung baliw! Tangina, kung manttrip ka, sa iba na lang at huwag ako!" sigaw ko sa kaniya at mabilis na tinalikuran siya at nagsimula nang maglakad papalayo.

Inilukot ko ang papel na hawak ko at itinapon yon kung saan!

Bumalik na ako sa room at nagpaalam na sa mga kaibigan ko. Nagtaka sila dahil nagmamadali ako pero wala naman akong pakelam sa kanila dahil sobrang badtrip ako ngayon.

Sino ba naman hindi mababadtrip, sasabihan ka ng 'i like you and i love you' kalokohan!

Pagkauwi ko sa bahay ay agad na nakita ko si Jenzi na magbibihis. Saan na naman punta nito? Palagi lang umaalis!

"Oh saan ka na naman pupunta?" tanong ko sa kaniya at napalingon siya sa akin.

"Hi Ate" bati niya saka nagpatuloy muli sa pag-aayos ng damit. "Diyan lang 'te makikipagkita lang sa mga kaibigan ko, alam mo na jaming-jaming" nakangising sabi niya.  Kumunot yung noo ko.

Kailan pa ito nagkaroon ng kaibigan?

"Kailan ka pa nagkaroon ng kaibigan?" nakataas yung isang kilay na tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin. "Bakit, ikaw lang ba pwede magkaroon ng kaibigan?" sarkastikong usal ni Jenzi, sumama yung mukha ko.

Nang makita niya ang itsura ko, tumawa siya sabay nag peace-sign sa akin. "Joke lang ate labyu" nagflying-kiss pa siya at napangiwi ako. Kadiri!

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon