LUKE'S POV
Nakarating na ako sa bahay at saktong pagkapasok ko ay nakita ko sina Mommy, Daddy, Gian, Ashiel na nakaupo sa sofa.
Napatigin silang lahat sa akin at tumayo. "Oh my god, what happen to your face Alexander?!!" galit na ani Mommy.
Agad silang lumapit sa akin at hahawakan sana ni Mommy yung pisngi kong may sugat pero mabilis ko itong iniwas dahilan para matigilan sila. "Nothing"
"Nothing?! You're bleeding Alexander tapos sasabihin mo nothing?! Are you out of your mind Alexander?!"
"Kuya ano bang nangyare diyan?!" inis na tanong ni Ashiel.
"Wala nga sabi" mahinahong sabi ko. "Wala lang 'to"
"Kumain ka na ba son?" tanong ni Daddy.
"Yes"
"Yaya!" tawag ni Mama.
Agad namang lumapit yung yaya kay Mommy. "Yes po ma'am?"
"Kumuha ka ng first aid tapos dalhin mo dito.. Faster!"
"Opo maam" nakatungong sabi ni nung yaya saka mabilis na umalis.
Naglakad ako papunta sa sofa at umupo roon. Sumunod naman sila sat umupo rin.
"Wala nga sabi 'to"
"Anong wala Alexander?! Nahihibang ka na ba?!" galit na sigaw ni Mommy pero hindi naman ako nagpatinag at nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya.
Dinig kong bumuntong-hininga si Daddy. "Son, ano bang nangyare please tell us.. Nag-aalala kami sayo buong gabi kang wala at ngayon ka lang nakauwi"
"Wala nga sabi 'to Dad.. Hindi ko naman ikamamatay to--"
"Alexander!" pigil ni Mommy. "Sasabihin mo sa amin o iggrounded kita?! Mamili ka Alexander?"
"Mom" si Gian.
Napailing na lang ako. Hay nako, hindi talaga kao titigilan ng mga ito kapag hindi ko sinabi sa kanila yung totoo. Nakakainis naman kasi!
Bumuntong-hininga ako sabay umayos ng upo. "Okay fine, nagkita ulit kami ni Jecen"
Nanlaki yung mga mata nila at natigilan dahil sa sinabi ko. Maliban kay Ashiel. Hindi nila inaasahan na marinig yung pangalan ni Jecen.
"What?!!" galit na usal ni Mommy. "Nagkita ulit kayo ni Jecen?!!"
"Yes mom" nakangising usal ko.
"Kamusta na siya?"
Napangisi ako lalo. "Ayun, gago pa rin... Matinik lang yung utak ng isang 'yon hahaha kapag masamang damo, matagal mamatay noh"
"Alexander!" pigil ni Mom. "Stop saying that to your bestfriend! Kahit na may hindi kayo napagkaunawaan ni Jecen, bestfriend mo pa rin siya"
"Matagal nang burado sa isipan ko si Jecen Mom.. Hindi siya kahit kailanman kasama sa mga aalalahanin ko ngayon.. Matagal ang pinagsamahan namin, simula bata pa lang kami at alam niyo yan pero nang simula ring traydurin niya ako.. Lahat ng pinagsamahan namin noon... Binaon ko na sa hukay at matagal ko nang kinalimutan" seryosong usal ko habang nakatingin sa kawalan.
"At ano namang kinalaman ng sugat mong yan kay Jecen?"
Napatingin ako kay Gian nang tanungin niya 'yon. Walang emosyon ko lang siyang tinitigan bago muling ibinalik sa kawalan.
"Siya lang namam yung gumawa nito sa akin"
"What?!" si Mommy. Tumango ako at napangisi.
"Bakit naman kayo umabot sa ganyanan Luke?!" si Daddy. Napatingin ako sa kaniya at kita ko yung galit sa mga mata niya pero nanatiling nakatingin lang ako sa kaniya.
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...