CHAPTER 21

321 14 3
                                    

JANXI'S POV

"Bakit mo naman kasi nasabi 'yon sa kaniya?!" inis na tugon ni Cyril.

Kasalukuyang nasa court kami ng school. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita si Luke. Galit ba siya? Hindi ko naman kasi alam e!

"Hindi ko naman alam na hindi niya pala yon sugar mommy niya?"

"Eh sino ba kasing may sabi na Sugar Mommy niya 'yon?!" pigil ang inis na sabi ni Cyril. "Alam mo te, galit na galit ako diyan kay Luke dahil sa kasamaan ng ugali niya pero te.. maling-mali ka" dagdag niya pa.

Nakonsensya naman tuloy ako. Paano ko ba kakausapin si Luke? Atsaka kailan ba kami nagkausap niyon ng matino? Wala naman e! Hindi naman!

"Oh ayan na si Luke" gulat na sabi ni Jc dahilan para mapatingin ako sa likuran.

Ngunit pagtingin ko 'don ay wala namang Luke na nandon.

Muli akong tumingin sa kanila at sumalubong kaagad yung kilay ko nang makitang naka peace-sign na siya at tumatawa naman si Cyril.

"Para kamo kayong mga tanga!" asik ko sa kanila sabay tumayo ako at naglakad na.

"Janxi sandali hahaha"

Nakakainis sila!

"Pota!!--" napatakip ako sa bibig nang makita ko kaagad siya.

Itinabingi niya ang ulo niya. Wala akon nakikitang emosyon sa mukha niya.

My lips parted. Gusto kong magsalita pero hindi ko magawang ibuka yung bibig ko.

Umiwas siya ng tingin sa akin at mabilis na tinalikuran ako at naglakad papalayo.

Napaaawang ang labi ko at bahagyang bumilis yung tibok ng puso ko. Hindi ko na namalayan na nandito na pala si Cyril at Jc sa gilid ko.

"T-Tara na" sabi ko sa kanila at nagpaunang maglakad.

Nang makarating na kami sa room, siya kaagad ang tumama sa paningin ko. Awtomatiko niya namang iniwas ang paningin sa akin.

Bakit ba ako nagkakaganito? 'Di ba ayos lang naman sa akin na hindi niya ako pansinin? Bakit parang ngayon ay hindi ako mapakali? Bakit gustong-gusto ng sarili na kausapin siya? Ano bang nangyayare sa akin?! Janxi!

Pumunta na kami sa upuan at naupo na at kasabay niyon ay ang pagpasok ng teacher namin. Maya-maya lang ay nagsimula na ang klase. As usual, puro lesson lang naman. Next next week pa ang long quiz namin kaya kailangan kong mag review para makapasa ako. Malapit na din matapos ang sem namin.

Pagkatapos ng klase ay umuwi na kaagad ako. Pagkarating ko sa bahay ay basta ko na lang ibinagsak ang sarili ko sa kama ko. Pagod na pagod, lantang-lanta ang katawan ko.

Pero nagising ang diwa ko nang makita ko ang itsura ni Luke. Tangina bakit ka ba nasa isip ko? Ano bang ginagawa mo sa 'kin? Nakakainis na talaga.

Tumayo na ako at pumunta sa bany9 upang maligo. Tangina hanggang sa banyo ba naman, naiisip ko siya? What the fuck!

Pagkatapos kong maligo ay pumunta muna ako sa study table ko at binuksan ang laptop ko. Ang tagal ko na kasing hindi nagagamit itong laptop na ito kaya gagamitin ko na siya ngayon baka mabulok pa e, sayang naman.

Pumunta muna ako sa word para magsulat. Hilig ko rin ang pagsusulat ng kwento. Ang sarap lang kasing mag-imagine, yung tipong akala mo ikaw ang karakter. Masayang magsulat ng kuwento lalo kapag buong puso mo itong sinusulat.

Isang oras na din akong nagsulat at pinagpahinga ko na muna din ang laptop ko. Sa susunod naman.

Kinuha ko na lang ang cellphone ko at nag scroll lang sa facebook. Pinatay ko na din 'yon dahil wala naman akong kachat. Tangina 560 online tapos ni isa wala man lang may balak na ichat ako. Takteng mundo 'to.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon