CHAPTER 30

229 10 2
                                    

JANXI'S POV

Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko ngayon. Naghahalo-halo na yung mga emosyon ko. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Kung nananaginip man ako, parang awa niyo na gisingin niyo na ako!

"L-Luke?" hindi makapaniwalang tawag ko sa kaniya.

Nanatiling nakatingin siya sa akin. Unti-unting sumilay yung ngiti sa labi niya. Natigilan ako.

Ngayon ko lang nakita na ngumiti siya ng ganyan sa akin. Ngiting parang walang bigat na dinadala. Preskong ngiti ang nakikita ko sa kaniya na hindi ko alam kung ano o sino ang dahilan ng mga 'yon.

Naguguluhan ako ngayon. Ano bang nangyayare sa kaniya?! Bakit ganyan siya makatingin sa akin?!

"Janxi" mahinang tawag niya.

Humakbang pa ulit siya ng isa palapit sa akin at tumingin sa mga kamay ko. Pigil hininga ko naman siyang tinitigan. Hindi ko alam kung anong nangyayare sa kaniya.

"Nung una kitang makita, aaminin ko naiinis ako sayo malamang sinong hindi maiinis sinira mo yung compartment ng kotse ko pero isa rin yon sa dahilan kung bakit nagustuhan kita dahil ang tapang mo. Habang tumatagal Janxi unti-unti akong nahuhulog sayo. In-denial lang siguro ako. Minsan nagseselos ako kapag may kasama kang lalaki, sinasabi ko sa sarili ko kung 'bakit ako nagseselos eh wala naman akong gusto sa kaniya'" huminga siya ng malalim sabay tumingin sa akin."Gusto kita Janxi, Gustong-gusto" 

Lalo akong natigilan sa sinabi niya. Please kung panaginip man ito parang awa niyo na gisingin niyo ako!

Pabilis na pabilis na yung tibok ng puso ko, mas lalo lang 'yon bumilis nang dahan-dahan akong hilain ni Luke at niyakap.

Natigilan ako at hindi ko na namalayan yung sunod-sunod na pagtulo ng luha ko.

"Sorry sa mga ginawa ko Janxi sayo noon, sana mapatawad mo ako" bulong niya.

Maging bulong niya ay nakapagpapatayo ng balahibo ko.

Pumikit ako ng mariin. Hindi ko talaga maintindihan yung nangyayare ngayon. Naguguluhan ako!

"L-Luk—"

"Please Janxi let me love you"

Tuluyan na 'atang tumigil yung paghinga ko dahil sa huling katagang sinabi niya.

Hindi, hindi pwede! Hindi!

Kumalas ako ng pagkakayakap sa kaniya na siyang ikinagulat niya. "Ano bang nangyayare sayo ha?!" sigaw ko sa kaniya.

"What?"

"Kung manttrip ka na naman, please wag ngayon Luke! Wag ngayon!"

"Janx—"

"Tigilan mo na 'yang kahibangan mo Luke! Pigilan mo 'yang nararamdaman mo! Pigilan mo!" sigaw ko sa kaniya, natigilan siya.

"J-Janx—"

"Please wag ako Luke, don't fucking play my feelings!"

"I don't fucking play your feelings Janxi, nagsasabi ako ng totoo.. Gusto kita Janxi Gusto ki—"

"Hindi mo ako gusto Luke! Kailan mo lang ako nakilala at kailan lang tayo nagka-ayos kaya sigurado akong naguguluhan ka lang, hindi mo ako gusto Luke!"

"J-Janx—"

"Please Luke wag ako yung gustuhin mo!" tuluyan nang tumulo yung luha sa mga mata ko.

"At paano ko naman 'yon mapipigilan Janxi, hindi ko na kayang pigilan pa ang sarili ko, mababaliw na ako kapag pinigilan ko ang sarili ko na gustuhin ka.. Traydor yung puso ko Janxi. Kahit na sabihin ng isipan ko na hindi kita gusto, sinasabi naman ng puso ko na gustuhin ka—"

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon