CHAPTER EIGHTEEN

380 21 4
                                    

CYRIL'S POV

"Nasaan sila Mama?" tanong ko sa kapatid ko na si Zyrel pagkauwi ko sa bahay.

"Ate nandiyan ka na pala" nakangiting sabi niya sabay lumapit sa akin at hinalikan ako sa psingi.

Nawawala yung pagod ko kapag hinahalikan ako ng kapatid ko sa pisngi. Nalulungkot lang ako dahil nagdadalaga na siya at baka hindi niya na gawin sa akin yung mga ginagawa niya ngayon.

Inilapag ko yung bag ko sa sofa saka tumabi sa kaniya na kasalukuyang nagsusulat.

"Nasaan sila Mama?" tanong ko ulit sa kaniya.

Nakangiting lumingon siya sa akin. "Namalengke lang po" sabi niya saka muling pinagpatuloy yung pagsusulat.

Writer din pala itong si Zyrel.

"Dun muna ako sa taas ha" paalam ko sa kaniya at nakangiting tumango siya.

Hinaplos ko yung buhok niya bago tuluyang umakyat.

Pagkaakyat ko ay basta ko na lang hinubad yung uniform ko at dumeretso sa banyo upang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay humiga na muna ako. Naririnig ko sa baba yung boses ni Mama at Papa, mukhang kakain na pero hindi pa ako nagugutom dahil kakatapos lang namin kumain nila Janxi.

Kinuha ko yung cellphone ko sabay nagscroll-scroll muna sa Facebook.

Nang maboring, napagdesisyonan ko na matulog.

Kinabukasan, linggo, maaga ako nagising. Dumeretso kaagad ako sa banyo upang maghilamos at pagkatapos ay bumaba na.

Naabutan ko pa sila Mama, Papa at Zyrel na kumakain. Napatingin silang lahat sa akin. "Oh anak kain na" sabi ni Papa at ngumiti na lang ako saka dumeretso doon.

Pagkaupo ko ay lumingon ako kay Zyrel, gumagaan talaga ang pakiramdam ko kapag ngumingiti siya. Cute niya kasi!

"Goodmorning Ate" bati niya sa'kin.

Hinaplos ko yung buhok niya."Good morning din" sabi ko.

"O siya kain na" sabi ni Mama at nagsimula na kaming kumain.

Talagang paborito ko pa talaga ang mga nakahanda sa hapag-kainan. Hotdogs, bacon, and ham. Ginaganahan tuloy akong kumain.

"Ay nakalimutan ko!" biglang sabi ni Mama na pumakpak pa, daig pang natalo.

Lumingon sa kanya si Papa habang nanguya. "Ano yon?"

"Nakalimutan kong bumili ng mga sabon" nakangiwing sabi ni Mama. "Maglalaba pa naman ako, kailangan ko ng isang set ng sabon" dagdag pa niya. Lumingon siya sa akin."Cyril, anak pwede mo ba akong bilhan ng sabon sa supermarket,bili ka na rin ng   pagkain niyo ni Zyrel sa Mcdo." nakangiting sabi ni Mama at tumango kaagad ako, siyempre may Mcdo eh.

Nagpatuloy na kami sa pagkain at nang matapos na kaming kumain ay agad akong naligo at nagbihis. Simple lang ang sinuot ko, bibili lang naman ako ng sabon at pagkain namin at hindi rarampa kaya hindi ko na kailangan pang magsuot ng maganda damit. Tsaka na lang!

Bumaba na ako at hiningi kay Mama ang pera na pambili sa pinauutos niya at binigay niya ito.

Lumabas na ako ng bahay.

"Mag-iingat ka anak" habol na sabi ni Mama at nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa marating ko ang kanto at sumakay sa tricycle papuntang supermarket.

Mabuti na lang at mura ngayon dahil linggo.

"Dito na lang po manong,"

Bumaba na ako ng ticycle at dimeretso na sa supermarket. Pagkapasok ko don ay agad akong nagtungo sa mga sabunan.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon