JANXI'S POV
"Ate okay ka lang ba?" tanong sa akin ni Janxi habang pinupunasan ang uniform ko.
Tiningnan ko siya ng masama. "Mukha ba akong okay ha?!" sabi ko. "Look,tingnan mo ginawa niya sa damit ko nung mayabang na yon!" turo ko sa labas.
"Dapat kasi hindi mo na pinatulan" sabi ni Jenzi na pinupunasan ko.
Inis kong inalis ang kamay niya sa unifrorm ko. "Anong wag patulan! Tanga ka ba! Sinasabi mo lang kasi yan kasi hindk ikaw natasikan ng putik sa uniporme eh!" sigaw ko sa kanya.
"Sorry,sorry easy ate" sabi niya na isinuko pa ang dalawang kamay niya. Saka muli akong pinunasan. Siniringan ko na lang siya.
Bigla ko na namang naalala ang ginawa sa akin ng lalaking iyon.
Epal talaga! Nakakainis! Kabago-bago pa lang ng uniform eh tapos gaganituhin lang niya. Sadya man o hindi wala akong pakelam! Pero ang mas nakakainsulto sa pagkatao ko yung mga pinagsasabi niya. Nakakababa ng pride yon ha!
Kailangan hindi ito malaman nila Mommy at Daddy. Oo ayaw ko dito sa school na ito, oo nagsisisi ako dahil pumayag ako pero ayoko lang magkagulo, ayoko lang malaman nila Mommy at Daddy ito hindi sa dahil takot ako. Dahil ayoko ng gulo!
Humarap ako kay Jenzi. "Wag mong sasabihin kila Mommy at Daddy ito ha naiintindihan mo" sabi ko sa kanila na hinawakan pa siya sa braso. "Kailangan tayong dalawa lang nakakaalam nito" dagdag ko pa sa kanya.
Natutulirong tumango naman siya saka nagpatuloy sa pagpupunas sa akin.
Ngunit natigilan kami nang biglang mag ring ang bell.
Hindi ko pa nahahanap ang room ko.
"Sige na Jenzi pumasok ka na, magkita na lang tayo mamaya" sabi ko.
"P-Pero ate p-paano ka?" tanong niya.
Bumuntong-hininga ako. "Ayos lang ako Jenzi sige na pumasok ka na baka mamaya malate ka pa eh first day of school pa naman"
"Pero at--"
"Wala ng pero pero sige na mauna ka na at hahanapin ko pa room ko, hanapin mo na rin yung room mo. Magkita na lang tayo mamaya" sabi ko na iniayos pa ang hibla ng buhok niya sa noo saka pilit na ngumiti. "Sige"
"Sigurado ka ba ate?" tanong niya. "Baka mamaya balikan ka pa ng mga mayayabang na iyon" nag-aalalang usal niya.
Tumango ako. "Oo ayos lang ako wag mo akong intindihin" seryosong sabi ko. "Mauna ka na" sabi ko.
"S-Sige ate ingat ka ha" usal niya na humalik pa sa pisngi.
Napabuntong-hininga ako. "Oo sige na" sabi ko na tinapik pa ang balikat niya.
Ngumiti si Jenzi sa akin saka tuluyang lumabas ng C.R.
Nang makalabas na si Jenzi ay bumuntong-hininga ako saka humarap sa salamin. Nakatitig lang ako don at pilit na tinatanggal sa isipan ko ang nangyare pero hindi maalis. Traydor ang utak ko.
Tumingin ako sa uniform ko. "Bwisit na putik na ito!" inis na singhal ko.
Bumuntong-hininga ulit ako. Kamalas-malasan nga naman oh! Sa dinami-daming estudyante na nandon,ako lang talaga ang naputikan. Bwisit na Jenzi to kung hindi pumunta sa likuran ko ay hindi sana ako mapuputikan ng malalang malala! Siya ang sinabihan kong mag-ingat sa putik na naroon tapos ako pala ang nalagyan Wow kagaling!
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...