CHAPTER 45

127 7 0
                                    

JANXI'S POV

Nagising ako kinabukasan dahil sa ng araw na nagmumula sa balcony ng condo unit ko. Akmang gagalaw ako nang may maramdamang brasong nakayakap sa akin.

Lumingon ako at nakita ko yung maamo niyang mukha. Simula sa mapupungay niyang mga mata, sa kilay niyang pantay, sa ilong niyang matangos pababa sa labi niya.

Mahimbing ang tulog niya habang ang kumot ang nagsisilbing takip sa mga katawan namin.

Hindi ako makapaniwala na nangyari ang hindi inaasahang sa pagitan naming dalawa.

Masyadong mabilis ang pangyayari at talagang hindi ko ito inaasahan. Napangiwi ako nang may maramdamang kirot sa bandang ibaba ko.

Shit!

Naalala ko kung gaano kalaki at kahaba yung kaniya, mabuti na lang talaga at kinaya ko... idagdag mo pa yung grabeng pag-ulos niya na talaga namang nagpawarak sa pagkababae ko.

Diyos ko po! Ano ba 'tong naiisip ko?!

Dahan-dahan kong inalis yung braso niyang nakayakap sa akin pero nabigo ako dahil sa oras na 'yon ay nagmulat na yung dalawang mata niya.

"Where are you going?" tanong niya.

"Ah.." hindi ko alam kung paano siya kakausapin ngayon. Ni hindi ako makatingin sa kaniya dahil sa lubos na kahihiyan.

Nanatiling nakatingin lang siya sa akin habang seryoso ang kaniyang mukha.

"Ah maliligo muna ak-Luke!" napatili ako nang bigla niya akong hilain dahilan para mapasubsob yung mukha ko sa dibdib niya. Ikinulong niya ako sa mga bisig niya.

"Stay there I know its sore." mahinang usal niya. Nakaramdam naman ako ng hiya nang mga sandali na ito. Naramdaman ko na lang yung pag-init ng magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

Shit!

Pero mas lalong uminit yung magkabilang pisngi ko dahil sa sinabi niya.

"I Love You,"

Biglang bumilis yung tibok ng puso ko at parang lalabas na ito sa katawan ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok nito.

Mahal niya ako. Sinabi niyang mahal niya ako pero bakit tila hindi ako nakukuntento sa sinabi niya... Bakit parang may kulang? Bakit parang may hinahanap ako? Bakit parang iba?

Hindi na lang ako nagsalita at narinig ko na lang yung mahihinang hilik niya kaya pumikit na lang ako at hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako... ramdam yung init ng yakap ng taong mahal ko.

Nagising ako nang wala na siya sa tabi ko. Nakalagay yung unan sa pagitan ng mga paa ko habang yung isang unan naman ay yakap-yakap ko.

Tinignan ko yung paligid at kita kong hapon na. Iginala ko yung paningin para hanapin siya ngunit walang Luke akong nakita.

Dahan-dahan akong umupo at sumandal sa headboard ng kama. Napangiwi ako nang maramdaman yung hapdi sa pang-ibaba ko. Napahawak na lang ako sa tiyan ko. Diyos ko po!

Saan naman nagpunta yung lalaking iyon? Iniwan niya kaya ako? Umalis na kaya siya kasi nakuha niya na yung gusto niya?

Pakiramdam ko sumisikip yung dibdib ko dahil sa mga naiisip ko. Masyadong mabilis ang mga pangyayari at talaga namang hindi ako makapaniwala na nagawa namin ito.

Napatingin ako sa pintuan nang bumukas ito at iniluwa siya. Nakasuot siya ng sando habang nakaboxer lang siya. Dahan-dahan siyang pumasok dala ang isang tray na may pagkain.

Inangat niya yung paningin niya dahilan para magtama yung paningin namin. Seryoso lang ang mukha niya, hindi mababakasan ng galit o poot yung mukha niya bagkos ibang klaseng emosyon ang nakikita ko sa mga mata niya.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon