LUKE'S POV
"Bakit ngayon ka lang?" tanong kaagad sa akin ni Mommy pagkapagsok ko pa lang sa bahay. Tumayo siya at nagmamadaling lumapit sa akin. Bakas sa itsura niya yung pag-aalala. "Kumusta na sina Janxi? Yung Lola niya? Maayos na ba sila?" sunod-sunod na tanong niya pa.
Bumuntong-hininga ako sabay umupo sa couch. "Maayos na yung kalagayan ni Janxi pero yung Lola niya... Hindi pa." napabuntong-hininga na lang ako ulit. "Hindi pa rin nagigising yung Lola niya kaya nasasaktan ako na makitang nasasaktan yung taong mahal ko Mommy." hindi ko na namalayan yung luhang tumulo mula sa mata ko.
Natatakot ako sa mangyayari. Walang kasiguraduhan yung kalagayan nila Janxi lalo na't hindi pa nahuhuli yung mga gumawa sa kanila nito.
Pero hindi ko hahayaan na mapahamak silang lahat–lalong-lalo na si Janxi, ang taong pinakamamahal ko.
Muling bumalik sa isipan ko yung mga taon na wala siya sa tabi ko. Muling nanumbalik sa aking isipan yung mga panahon na wala siya sa piling ko.
"Malapit na at gagraduate na tayo!" masayang sabi ni Dandy na itinaas pa yung kamay niya na akala mo'y nanalo sa lotto.
Napangiti na lang din ako. Sobrang saya ko dahil sa wakas ay isang kabanata na naman ang natapos dahil sa pagsisikap namin. Halo-halo yung nararamdaman ko ngayon.
May parteng masaya ako dahil nakatapos na din kami pero may parte ding kinakabahan dahil sa panibagong lakbayin namin.
Sabi nga nila, maraming darating na tao sa buhay natin... marami ding aalis sa buhay natin.
Napatingin ako sa litrato naming dalawa...
'Kung sana nandito ka lang. Alam kong masaya ka dahil natupad ko yung pinapangarap mo'
Ilang taon na yung lumipas nang umalis si Janxi at iwanan ako. Ilang taon na din ang lumipas ngunit wala pa ring nagbabago sa puso ko. Nandoon pa rin yung sakit at kirot na hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin.
Kahit na nililibang ko pa rin yung sarili ko sa mga ibang bagay. Hindi nawawala yung sakit sa puso ko sa tuwing maaalala ko siya...sa tuwing lalabas ang mukha niya sa isipan ko... sa tuwing naririnig ko yung boses niyang pangalan ko ang unang binibigkas.
Ang sakit. Sobrang sakit.
Maraming tanong sa isipan ko pero ni isa ay walang sagot na natanggap ako. Bakit nangyari sa aming dalawa ito? Bakit umabot sa ganito ang lahat? Bakit niya ako iniwan? Bakit siya umalis? Anong nagawa ko sa kaniya?
Sa tuwing naiisip ko 'yon ay hindi na nababago pa yung ekspresyon ng mukha ko. Kahit nga kung sino yung lumalapit sa akin ay nagiging iba yung pakikitungo ko sa kanila.
Si Janxi pa rin at wala nang iba.
Iyon lang ang nagiging sandata ko sa bawat laban na pumapasok sa aking isipan para talunin yung puso kong patuloy na nadudurog.
'Bakit Janxi? Why?'
"Luke una na kami... Hinihintay na kasi ako ni Erin eh," sabi ni Sid. Tumango ako sa kaniya. Sumunod naman na nagpaalam si Dandy kaya sa huli ay nag-iisa na lang ako.
Naglakad ako papalabas ng restaurant at sumakay ng kotse. Hindi ko alam kung saan ako pumupunta pero huli ko nang napagtanto na nakarating na pala ako sa eskuwelahan.
Kahit gabi ay pumasok ako roon at pumunta sa lugar kung saan kami palaging magkasama.
Ang puno ng mangga.
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...