CHAPTER 40

89 7 3
                                    

JANXI'S POV

"Oh my gosh, kailan ka uuwi?!" tanong ni Cyril sa akin sa telepono. Bakas sa mukha niya yung kasiyahan dahil ipinabalita ko sa kaniya na uuwi na ako diyan. Hindi ko pa lang sinasabi kung kailan dahil gusto ko silang isorpresa.

"Hindi ko pa alam e," pagsisinungaling ko. Napanguso naman siya. "Kumusta na pala kayo diyan?"

Anim na taon. Anim na taon ang lumipas magmula nang umalis ako sa Pilipinas. Marami nang nagbago sa akin. Marami na rin ang nagbago sa kanila. Nakapagtapos ako ng kolehiyo dito at tinanggap ko na rin yung alok sa akin ng Lola ko na magpatakbo sa kumpanya kahit na labag man sa kalooban.

Mahirap, hindi naging madali ang buhay ko rito magmula nang makatutungtong ako rito sa States. Sobrang daming pagbabago.

"Okay naman... kami," sagot niya at binigyan ako ng tipid na ngiti.

Alam kong may iniiwasan siya. Gustuhin ko man tanungin sa kaniya pero pinangungunahan na naman kao ng takot.

"Eh... si Luke?" bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay naitanong ko na sa kaniya. May kung anong bumara sa lalamunan ko at hindi ko magawang maibuka yung bibig ko, hinihintay ko na lamang yung sasabihin niya.

"A-Ayos naman siya..." sagot niya.

Napabuntong-hininga na lang ako sabay ngumiti ako sa kaniya. "O sige na, mag-iingat kayo diyan ha. Wag mo munang sabihin sa kanila na uuwi na ako ha. Tayo-tayo na lang muna makakaalam okay?"

Ngumiti siya sa akin. "Yes naman," sagot niya. "Mag-iingat ka rin Janxi. Mahal na mahal ka namin."

Napangiti ako. "Mahal ko rin... kayo," bigla akong kinabahan at bago pang tumulo yung luha ko sa mga mata ko ay ibinaba ko na yung telepono.

Inilapag ko ito sa side table ko at sumandal sa swivel chair. Tiningnan ko yung lapida na nakalagay sa ibabaw ng lamesa ko.

Janxillie Vestellar

Chief Executive Officer

Sa tuwing titingnan ko yung pangalan ko rito. Imbes na saya ang maramdaman ko... sakit ang nananaig, kirot sa dibdib ang umaangat.

Binago nito ang buhay ko. Buhay na dapat masaya. Buhay ko na dapat kasama siya pero hindi na ngayon.

Anim na taon na ang nakalilipas pero hindi pa rin siya mawala sa isipan ko. Anim na taong kong pinagsisisihan yung ginawa ko. Anim na taong nakakulong lang ako sa mga ngiti at mga pangako niyang ako mismo ang unang pumutol at sumuko.

Dumapo yung paningin ko sa litrato naming dalawa na magkahawak ang mga kamay habang puno ng ngiti sa aming mga labi.

Hindi ko na namalayan na tumulo na pala yung luha sa mga mata ko. Ang sakit pa rin hanggang ngayon. Bakit ang tanga-tanga ko? Bakit ang kitid ng utak ko?

Naiinis ako sa sarili ko. Sobrang naiinis ako sa sarili ko.

Pinunasan ko yung luha sa pisngi ko. Ngumiti ako habang nakatingin sa litrato namin. "Tapos na ako sa ibang stage... Sana ikaw rin.. P-Patawarin mo ako k-kung ako yung u-unang bumitaw. Patawarin mo ako." I stuttered.

Biglang nanumbalik sa akin yung araw na pinakamasakit sa akin.

"Janxi," tawag sa akin ni Kenzo. Patuloy pa rin sa pagbagsak yung luha sa mga mata ko. "Naghihintay na sila sa baba"

Umiling ako ng umiling. "Bakit nangyayari sa akin ito?" tanong ko sa kaniya. Wala akong nakuhang sagot sa kaniya. "Bakit nangyayari sa buhay ko ito? B-Bakit?" umiiyak na usal ko.

Parang tinatambol yung puso ko dahil sa bilis nito. Naninikip na rin yung pahinga ko dahil sa nangyayari ngayon. Deserve ko ba ito? Deserve ko ba yung mga nangyayari ngayon?

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon