CHAPTER 27

268 18 5
                                    

JANXI'S POV

Naglakad na ako pabalik sa room at sakto namang pagpasok ko 'don ay lahat sila napatingin sa akin maliban lang kay Luke. Sa kaniya kaagad dumapo yung paningin ko. Hindi ko alam kung bakit bigla na naman bumilis yung tibok ng puso ko. Pakiramdam ko naninikip na yung dibdib ko.

Napatungo na lang ako. Ano bang ginagawa mo sa akin Luke? Tell me!

Gusto kong lumapit sa kaniya at magsorry. Oo aaminin ko, kasalanan ko kung bakit umiiwas siya ngayon sa akin. Alam ko namang intensyon niya lang naman na tumulong pero ako itong maarte!

Napakabobo mo Janxi! You're so stupid!!!

Bumuntong-hininga muna ako saka pumasok sa loob. Sakto namang pag upo ko ay siyang pagpasok ng teacher namin.

"San ka galing?"

Napalingon ako kay Cyril nang tanungin niya ako. "Diyan lang" sagot ko.

Tumayo kaming lahat at nagpray saka binati ang teacher namin. Muli akong napalingon kay Luke at gano'n na lang ang gulat ko nang makitang nakatingin na siya sa akin.

Bumilis na naman kaagad yung tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tuluyan na 'tong mahuhulog! Aish!

"Sitdown class" sabi ni Sir. "Okay class hindi ako magtuturo ngayon dahil busy kami sa pag aayos para sa darating na Acquaintance Party natin. Next week  na siya gaganapin kaya magready na kayo. Seven pm siya hanggang Twelve kaya kailangan ay maaga kayo dumating siguro mga six na para mabilis din tayong matapos." dagdag ng teacher namin."Lahat na ba nakapaghanda na?"

"Yes sir!!" kaming lahat.

Ngumiti si Sir. "Okay mabuti yan, so aasahan namin yung pagpunta niyo. May special guest tayo. Nagmula siya sa ibang bansa kaya naman ay galangin niyo siya okay"

Tumango na lang kami bilang sagot sa kaniya.

Hays! Bakit kasi may pa ganto-ganto pa?! Wala namang kinalaman yan sa Academics!! Tsk!

Maraming lumapit kay Sir at nagtatanong. Nakaupo lang ako dito at hindi mapakali.

Muli akong tumingin kay Luke. Hindi na siya nakatingin sa akin. Nagsusulat na lang siya. Seryosong-seryoso ang mukha.

Nakaramdam tuloy ako ng guilt dahil sa nangyare. Bobo mo kasi Janxi ikaw na nga 'tong tinutulungan ng tao e, ikaw pa 'tong maarte. Hay nako!

"Magsorry ka kasi"

Napatingin ako bigla kay Erin nang sabihin niya yun. Hindi ko alam na nakatingin na pala sa akin silang tatlo. Si Jc nakacross arms, si Cyril naman ay nakatingin dun sa tatlo sabay tingin sa akin habang si Erin naman ay tipid ang ngiting habang nakatingin sa akin. "Hindi naman ikabababa ng pride mo at hindi naman ikatatapak ng pagkatao mo kung magsasabi ka lang ng... sorry and thank you" dagdag niya sabay tapik sa balikat ko at tumayo.

Maya-maya din ay nag-ring na yung bell at lumabas na si Sir pati yung mga kaklase namin.

"Sasabay ka ba sa amin?" tanong ni Jc. "Tara kain tayo sa Canteen gurl.. Gutom na gutom na ako jusko"

"Kailan ka ba nabusog?" asik sa kaniya ni Erin at natawa naman kami.

"Hay nako, nabubusog naman ako pero sadyang nagugutom lang ulit hahaha"

Napailing na lang si Erin sabay tingin sa akin.

"Mauna na kayo" nakangiting sabi ko.

"Bakit?" tanong ni Cyril.

"May kukunin lang ako"

"Samahan ka na nami--"

"Hindi na" pigil ko sa kanila at nagtaka naman sila. "Mabilis lang 'to" dagdag ko at tumango naman sila saka mabilis na tinalikuran ako.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon