CHAPTER TWO

470 30 2
                                    

LUKE'S POV

Hindi ko maiwasang hindi magalit sa bwisit, putik at panget na babaeng iyon. Putik talaga siya PUTIK!

Nang makarating kami sa room. Padabog kong ibinagsak ang bag sa upuan ko.

"Tang*na!" inis na sabi ko sabay sipa sa upuan na nasa harapan ko.

"Easy lang luke hahaha" natatawang sabi ni Dandy.

Inis naman akong tumingin sa kanya. "Ikaw kayang batuhin yung sasakyan mo tapos sinapak ka pa...anong mararamdaman mo?" inis na sabi ko sa kanya.

Lumabi si Dandy."Well naiintindihan naman kita hahaha" sabi niya.

"Eh bakit ka tumatawa?" tanong ko sa kanya.

"Natatawa lang kasi ako sa itsura ng babae nung naputikan siya hahahahaha"

"Ang sama mo Dan" si Sid isa pa naming kaibigan.

Umangat ang gilid ng labi ko habang nakatingin kay Sid. "So mabait ka na pala ngayon?" sarkastikong tanong ko sa kanya. Nagtawanan kami.

"Tss!"

"Sus wag mo kaming lokohin dito Sid dahil sa ating tatlo, ikaw ang pinakabully dito" sabi ko dahilan para matawa si Sid.

"Dati yon pero ngayon hindi na eversince i saw the girl" nakangising usal niya.

Napangiwi ako. "Sino naman yan?" tanong ko.

"Edi yung nakaaway mo" sabi niya dahilan para manlaki ang mga mata ko habang nakatitig kay Sid.

"What?!" sabay naming sabi ni Dandy. Tumango siya.

"What the fuck!" si Dandy.

"Gusto mo yon?" tanong ko sa kanya.

Umiling siya. "No, i like her personality i mean i like the way how she treated the campus crush in this university i think she's a transferee" nakangiting usal niya.

Yak!

"Baho ng taste mo" sabi ko. Nagtawanan silang dalawa.

Muli ko na naman naalala ang itsura ng babaeng iyon. Oo maganda siya pero hindi siya pasok sa mga magagandang ginugusto ko dahil kahit anong mangyare hindi ko siya gugustuhin. Putik siya, putik.

Napatingin ako kay Sid. Umangat ang gilid ng labi ko nang maalala ang sinabi niya. Napakabaho talaga ng taste!.

Naiinis talaga ako sa babaeng iyon. Wala siyang karapatan para ganon ganunin lang ako, hindi niya pa ako kilala. Matapos niyang basagin ang kotse ko. Matapos niya akong sigaw-sigawan lang, matapos niya akong sapakin. Ngayon.. tingnan natin kung may laban ka pang babaeng putik ka. Humanda ka talaga sa akin. Welcome to the Del Salve University.

Napangisi ako dahil sa iniisip ko. Hindi ko malaman kung matatawa ako maiinis dahil sa mga sinasabi ko.

"Hoy" natinag ako dahil sa boses ni Dandy.

Kunot-noo akong tumingin sa kanya. "Bakit?" inis na tanong ko sa kanya.

"Mukhang malalim yang iniisip mo ha... Ano ba yan?" natatawang tanong niya.

Sumimangot ako. "Naiinis ako sa babaeng iyon.. Gusto ko siyang sapakin! Ang kapal ng mukha niyang magalit sa akin... Tingnan niyo ginawa niya sa compartment ko. Binasag niya na nga sinapak niya pa ako!" inis na sabi ko natawa silang dalawa. "Humanda talaga siya sa akin! Pagsisihan niya kung bakit pa siya pumasok dito sa university na ito! Pagsisisihan niya!" nakangising sabi ko. "Gagawin kong impyerno ang mala anghel niyang mundo" dagdag ko pa.

"Paano na yung kotse mo?" tanong ni Dan.

Napahawak ako sa baba ko. "Papaayos ko na lang"

"Eh paano kapag nalaman ni Tita?" tanong ni Sid. Si Mommy ang tinutukoy niya.

Biglang naalala ko si Mommy. Naalala ko kung paano ako pinalayas ni Mommy dahil lang sa nasira ko ang side mirror ng kotse niya. Napakahirap niyon noh!

Nakuyom ko ang mga palad ko dahil sa soborang inis sa babaeng iyon.

Argh! Bwisit ka talaga! Kinakalimutan na kita pero bigla ka na lang sumusulpot sa isipan ko! Bwisit ka! Tatandaan ko yung mukha mo! Tatandaan ko! Pagsisisihan mo kung bakit dito ka pa nag-aral tandaan mo yan! Babaeng putik!

Natigil lang ang usapan namin nang pumasok na ang teacher namin.

Bumalik na sila Dan at Sid sa upuan nila.

Habang ako naman ay tulala lang. Iniisip ang nangyare kanina.

Masakit yung sapak ha! Grabe ka! Putik! Putik na basurang babae!

Humanda ka na!

Thank you for reading..

Please follow,vote, comment.

For more updates please follow:

Facebook:Emman Ace Aler

Instagram: emmansalundaguit

Twitter:@emmn_salndgt

~A C E Z H E J

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon