CHAPTER FOUR

398 27 1
                                    

SID'S POV

Habang nagkaklase kami ay hindi ko maiwasang hindi mapatingin kay Janxi. Hindi ko alam kung bakit pagdating sa kanya ay gumagaan ang loob ko.

Bully rin akong tao, actually sa aming tatlo ako ang kinatatakutan ng mga estudyante dito nangangalawa lang si Luke dahil hindi naman siya palaging ganito pero dahil sa nangyare kanina ay mukhang magbabalik na naman ang dating ugali ng isang Dela Cuesta.

Marami ng binully si Luke noon. Mapa babae man o mapa lalake. Kahit nga bakla o tomboy ay hindi nakaligtas sa kamay at bibig ni Luke.

Kaming tatlo nila Dan at Luke ay numero uno bully dito sa university. At guilty ako don.

Wala pang pumapalag kay Luke magmula nang makapasok kami sa university na ito maliban lang sa babaeng ito na tinatawag niyang putik.

Bilib din ako sa kakayahan at tapang niyang harapin ang isang Luke Dela Cuesta.

Kahit nakatalikod si Janxi ay pinagmasdan ko ang kabuuan niya.Maganda siya,sexy kung tutuusin.

"Miss Vestellar" tawag ni Ms,Sadular kay Janxi.

"Po"

"Kindly please stand up" utos niya.

Tumayo si Janxi. "B-Bakit po miss?"tanong ni Janxi sa kanya.

"What is Science? "

Bumuntong-hininga si Janxi. "Science is the intellectual and practical activity encompassing the systematic study of the structure and behaviour of the physical and natural world through observation and experiment."

Wow.

Tumango-tango si Ms.Sadular. "Good"

"What are the four branches of science?"

Nagtaas ng kamay si Luke.

"Yes Mr.Del Salve"

"Biology,Chemistry Physics and Earth-Science" nakangiting sabi niya sabay biglang tingin kay Janxi na kasalukuyang nakatingala sa kanya. Sumalubong ang kilay ni Janxi nang makita niya kung paano biglang ngumisi si Luke sa kanya.

Paktay!

"Wait... What again Mr.Del Salve?" tila naguguluhang tanong ni Ms.Sadular sa kanya.

Nakangiting tumingin si Luke kay Ms.Sadular. "Yes ms?"

"Can you please repeat your answer please?"

"The four branches of science are Biology,Chemistry, Physics and Earth-Science"

"Wait.."

Natigilan si Luke sa teacher at nanliit ang mga matang tinitigan ito.

"Why Ms? Is there any problem with my answer?"

Nagulat kami nung biglang tumaas ng kamay si Janxi.

"Yes Ms.Vestellar"

Tumayo si Janxi. "The four major branches of science are, Mathematics and logic, biological science, physical science and social science" sagot niya dahilan para lahat kami ay gulat na mapatingin sa kanya.

"What?!" asik sa kanya ni Luke. "Are you out of your mind mud?!" sigaw sa kanya ni Luke. Kita ko sa mga mata ni Luke ang inis, asar at gigil dahil sa babaeng masa harapan niya ngayon.

Nakaramdam naman ako ng bilib kay Janxi. Sobrang talino niya pala. Hindo ako makapaniwala. Ngayon ko pa lang ito nakilala pero kakaiba na kaagad nararamdaman ko sa kanya. Parang gumaan ang pakiramdam ko pagdating sa kanya.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon