CHAPTER ELEVEN

364 25 7
                                    

A/N: Sorry guys kung ngayon lang ako nakapagupdate, daming gawain eh.. Hope you understand love lots! ❤️❤️ Let's go Zhejies!! Btw happy birthday to me wish ko na sana maging safe lang kayo guys and thank you for reading my story love you mwa❤️❤️




LUKE'S POV

Pakiramdam ko talong-talo ako sa labanang ito. Bwisit na babaeng iyon, ang kapal ng mukhang magsalita at magkilos ng ganiyan sa'kin. Sa anak pa ng may ari ng school na pinapasukan niya. Ang kapal talaga ng mukha.

Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit ko pa ipinagpipilitan sa kaniya na bayaran ang nasirang kotse kung gayo'ng pwede namang ako na ang kumilos dito at ayusin o kaya naman ay bumili na lang ng bago.

Kung nakiusap sana siya sa akin na huwag nang bayaran ang kotseng nasira niya, baka sakali...baka sakaling hindi ko na siya pagbayaran pero sa ganong ugali niya, hindi ko ito ipapalampas.

Bwisit na babaeng ito, putik, pangit, low-class at kung ano-ano pa ang itinawag ko sa kaniya pero ang kapal pa rin talaga ng mukha niya. Nakakabwisit! Nakakapanggigil! Ang sarap niyang sapakin pero may kung anong pumipigil sa akin na gawin iyon! Bwisit! Tangina!

Naglabas ako ng malalim na hininga saka lumabas na ng building na iyon. Ngunit natigilan ako nang makita sila Sid at Dandy na papalapit sa akin.

Ngumisi si Dandy. "Anong nangyare?" tanong niya.

Sumama kaagad ang mukha ko. "Bwisit na putik na iyon! Hindi na talagang marunong madala bwisit siya!" inis na sabi ko sa kanila.

Dinig kong bumuntong-hininga si Sid. "Bakit hindi mo na lang kasi tigilan" sabi niya dahilan para uminit lalo ang ulo ko.

"Tigilan?! Ha! King inang yan! Matapos niyang sirain yung kotse ko, pahiyain ako sa maraming tao, siya rin ang dahilan kung bakit nagalit na naman sa akin si Mommy tapos sasabihin mong tigilan ko na! No way!"

"Easy,easy!" sabi ni Sid.

"Hindi ko lang maintindihan kung bakit mo siya pinagtatanggol eh,hindi ka naman ganyan noon,hindi ko lang alam kung anong nangyare ngayon! Nakakainis!" sunod-sunod na sabi ko kay Sid. "May gusto ka ba sa kaniya?" tanong ko sa kaniya dahilan para manlaki ang mga mata niya sabay tumawa ng pagkalakas-lakas. Napatingin din ako kay Dandy na bumingisngis sa tabi ni Sid habang si Dandy ay malakas pa rin ang tawa.

'Bwisit tong mga ito eh!'

"Di'ba sinabi ko na sa inyo yan?! Wala akong gusto sa kaniya,"

"Eh bakit kung makareact ka eh parang daig mo pa yung mga kaibigan niya"

"Kasi mali naman nag ginagawa mo bro"

Sarkastikong tumawa ako sabay ngumisi sa kaniya. "Wow,parang ang tama ng mga ginawa mo nung mga nagdaang taon sa mga babae ha" usal ko.

"Pinagsisisihan ko na 'yon"

"Kasi naging jowa mo si Erin?" nakangising sabi ko dahilan para sumalubong ang kilay niya hababg magkakrus ang mga braso niya. Nanlaki din ang mga mata ni Dandy sabay napatakip sa bunganga nga para pigilan ang tawa niya.

Umiwas siya ng tingin sa amin. "Bakit na naman siya nasali dito?!" inis na tanong niya pero ang paningin ay wala sa amin. "Hindi na siya kailangan dito at hindi rin siya ang dahilan ng mga pinagsasasabi mo" seryosong sabi niya dahilan para matigilan ako. "Kaya wag niyo na siya isali dito dahil kung siya ay hindi niyo na makalimutan, ako kinalimutan ko na siya dahil kahit na nakikita ko siya araw-araw kasama ng taong kaaway niyo, matagal ko na siyang kinalimutan" sabi niya sabay mabilis kaming tinalikuran at nangunang maglakad.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon