CHAPTER 22

303 17 2
                                    

Hi guys hehe sorry lung medyo mahaba itong chap na ito. Ginawa ko ito para hindi kayo mabitin hehehe. Enjoy reading!!!



LUKE'S POV

"Fuck!" inis kong inihagis yung hoodie ko sa sahig. Kasalukuyan akong nasa loob na ng kwarto ko. Pagkatapos ko kasi magpakita kay Janxi ay umalis na din ako nang walang paa-paalam sa kaniya. Hindi ko na kailangang gawin 'yon!

"Shit! What happened to me?!" napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis.

Nakakainis talaga! Nakakabwisit na talaga! Potangina!

Ano bang nangyayare sa akin? Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi naman ako ito at bakit ganito na lang ang nangyayare sa akin?!

Naiinis ako kapag nakikita ko na magkasama si Janxi at yung kapatid ko. Hindi ko alam kung bakit!

Pumikit ako at bumuntong-hininga sabay tumayo at dumeretso sa banyo upang maligo.

Pagkatapos kong maligo ay sumalampak na kaagad ako sa higaan. Nakatingin lang ako sa kisame habang yung mga kamay ko ay nakalagay sa ulunan ko. Malalim ang iniisip.

Ano nang gagawin ko? Tangina! Ano bang nangyayare sa akin? Si Luke ba talaga ito?! Shit! This is not me!

Bakit ba nangyayare ito? Bakit ba hindi siya maalis sa isipan ko? Nakakainis naman!

Alas 8 pa lang pero hindi ako makatulog! Pinipilit kong matulog pero ayaw ng diwa ko. Ayaw niya akong patulugin! At mas nakakainis ay palaging pangalan at mukha niya yung nakikita at naririnig ko! Tangina naman e!

Muli kong iminulat yung mga mata ko at tumayo. Pumunta ako sa study table ko at umupo roon. Ikinuha ko yung cellphone ko at idinial yung number ni Dandy.

"Hello"

"Bro"

"Oh, bro napatawag ka?"

"Magkita tayo nila Sid"

"Eh?" takang tanong niya. "Anong oras na"

"Wala namang pasok bukas, pwede din dito na kayo matulog" sabi ko.

"Anong trip mo Bro" natatawang tanong niya.

Bumuntong-hininga ako. "May sasabihin ako"

"Ano iyon?"

"Pag pumunta na kayo dito, bilisan niyo at mag iinum tayo. Bored ako!" sabi ko.

"Okay, just wait for us there" sabi niya at binaba ko na yung phone ko.

Nakawhite tshirt lang ako at nakashort lang. Bumaba na ako at ikunuha yung mga alak sa ref.

Sinabihan ko na din yung mga yaya ko na magprepare ng pagkain dahil darating yung mga ugok kong kaibigan.

Naghinatay pa ako at nagcellphone pa ako.

Maya-maya lang ay dumating na din sila. Ipinark nila yung kotse nila sa basement ng bahay namin.

Pumunta na kami sa likod ng bahay namin. Sa may garden at harap niyon ay may swimming pool.

Hindi na din sila nagdala pa ng damit dahil sabi ko ay wag na silang magdala dahil may mga extrang damit dito for guest. Sa guest room na din sila matutulog.

"So bakit mo nga kami pinapunta dito Alexander?" nakangising panimula ni Dandy.

Uminom muna ako ng alak bago siya tiningan. "Nothing... I-I just bored" sabi ko.

"Meron yan" biglang sabi ni Sid dahilan para mapalingon ako sa kaniya.

Nakangisi siya habang nakatigin sa akin sabay uminom din siya ng alak. "A Girl?" tanong niya pero ang paningin niya ay wala sa akin.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon