JANXI'S POV
"Aray!" napahawak ako sa ulo ko nang magising ako. Nakaramdam kaagad ako ng sakit at hilo. Napadami siguro yung nainom ko kagabi.
Tumingin ako sa orasan at nanlaki yung mga mata ko nang makitang... Alas dos na ng hapon! Ang haba naman ng tinulog ko? Gano'n ba ako nalasing kagabi? My gosh Janxillie!
Tumayo ako kahit hirap man gumalaw sabay dumeretso sa banyo upang maghilamos. Pagkatapos ay lumabas na ako. Kahit papano ay nawala ang sakit sa ulo ko pero pakiramdam ko namamanhid yung buong katawan ko.
Dumeretso ako sa vanity chair ko at naupo roon. Kinuha ko yung cellphone ko para tingnan kung may nagmessage sa akin. Pero gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko nang makitang ang dami na palang message sa akin ni Luke. 30 message, 21 missed calls.
Agad ko siyang tinawagan. "Hello" aniya.
"I'm sorry kung hindi ko nabasa yung mga message at hindi ko nasagot yung mga tawag mo ha. I'm sorry. Kagigising ko lang ngayon e medyo hilo pa nga e hehe. Teka, kumain ka na ba? How are you?"
Nadinig ko yung mahinang tawa niya sa kabilang linya bago sumagot. "Yeah. I eat already how about you?"
"Hindi pa e"
"Kumain ka na and drink medicine para mawala yung sakit ng ulo mo" aniya, napangiti naman ako 'dun.
"Opo boss" biro ko sa kaniya. I heard him chuckled.
"Sige na, bye, I love you baby."
"I love you too, sige baba ko na ah—"
"Wait" natigilan ako nang pigilan niya ako.
"Bakit?"
"Pwede ka ba mamaya?" tanong niya. Napaisip naman ako.
"Oo naman" sagot ko. "Bakit?"
"You want date?" tanong niya at sumilay naman yung ngiti sa labi ko.
"Sige"
"I'll pick you up there later okay. I Love You babe"
"Love you, sige na kakain na ako at ayokong makita mo akong lantang-gulay mamaya, baka iwanan mo ako"
"And why would i do that?" tanong niya. Napangiti ako nang maisip na nakanguso siguro 'tong lalaki na ito. "I will always love you kahit ano ka pa."
"Kahit ano?"
"Yes, kahit ano"
"Kahit alien ako?" nakangising tanong ko.
"Yes kahit alie—what?!" napalakas yung boses niya kaya nailayo ko kaagad yung phone ko sa tenga ko.
"Joke lang" natatawang sabi ko. Nadinig ko yung tawa niya.
"Sige na kumain ka na. I Love You Baby" sabi niya.
"Nakakailang I Love You ka na ah. Abuso 'to" kunwari'ng galit na sabi ko pero hindi na maitago yung ngiti sa labi ko. Kinikilig sa mga sinasabi niya.
"Hindi ako mapapagod na sabihin 'yan sayo. Paulit-ulit kong ipaparamdam sayo na mahal na mahal kita" usal niya at nakaramdam ng pagbilis ng tibok ang puso ko.
Naging sunod-sunod na din yung paglunok ko. Nakakaloka ka Alexander why are you doing this to me? Yan na lang ang nasabi ko sa isipan ko.
"M-Mahal din kita" nautal pa ako dahil sa sobrang bilis ng kabog ng puso ko. "Sige na, mamaya na lang" sabi ko sabay ibinaba yung phone ko. Hindi na hinintay yung sasabihin niya. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sobrang lakas ng kabog nito. "Shit. Why are you doing this to me Alexander?"
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...