CHAPTER 35

153 5 0
                                    

JANXI'S POV

Pabilis na pabilis na yung tibok ng puso ko dahil sa nabalitaan ko. Kasalukuyan kaming nasa kotse ni Luke at nagmamadaling pumunta sa ospital kung saan dinala si Kenzo. Maraming tanong sa isipan ko na hindi ko alam kung saan at paano ko makukuha ang sagot.

Kung bakit namgyari ito kay Kenzo? Alam kong masungit si Kenzo pero imposible namang mapaaway siya. Hindi siya pumapatol kapag hindi siya inuunahan.

"Luke faster please" I said in frustation.

Hinawakan niya yung kamay ko dahilan para magtama yung paningin namin. "Easy baby. Kenzo's alright okay" mahinahong usal niya.

Kahit na pinapahinahon niya ako. Hindi ko magawang huminahon dahil nasa panganib si Kenzo. Kinuha ko yung cellphone ko at tinawagan si Jenzi.

"Hello ate" sagot niya.

"Pumunta ka ngayon sa ospital" sabi ko.

"Huh?! Bakit anong gagawin ko sa ospital?!" naguguluhang tanong niya. "Jenzi come on join us" rinig ko pa sa kabilang linya.

Paniguradong nagiinuman 'tong mga ito. "Ate anong gagawin ko sa ospital? Bakit mo ako pinapapunta 'don?" tanong niya ulit.

"Si Kenzo" tuluyan nang tumulo ang luha sa mga mata ko.

"Bakit, anong nangyari kay Kuya Kenzo?" nag-iba ang tono niya. Naging seryoso na yung pananalita niya. Hindi ako nakasagot sa kaniya. "Ate! Anong nangyari kay Kuya Kenzo?!-"

"Hindi ko alam okay!" napataas na yung boses ko. "Basta pumunta ka na lang sa ospital, isesend ko sayo yjng address ng ospital! Bilisan mo Jenzi!" sabi ko sabay ibinaba ang cellphone ko.

Napasapo ako sa noo sabay lumingon kay Luke. "Malapit na ba tayo?"

"Y-Yes" utal niyang sagot. Maski siya ay natataranta na rin dahil sa akin.

Sino ba namang hindi matataranta kung mababalitaan mo na lang na nasa hospital yung pinsan mo?!

"Baby calm down okay... Walang masamang mangyayari kay Ken-"

"How can you be sure na walang masamang mangyayari kay Kenzo?!" pigil ko sa kaniya. Napabuntong-hininga na lang siya. Nailagay ko na lang ang palad ko sa noo ko sabay sumandal sa bintana. "Hindi ko alam yung gagawin ko. Hindi ko alam kung paano sasabihin ito kay Tita.. kay Mommy, Daddy... Kay Lola" pahina na pahinang usal ko.

Natatakot ako na baka ako yung sisihin nilang lahat. Ako kasi ang in-charge sa bahay. Hindi ko naman alam na mangyayari ito.

"Everything's alright okay" usal niya. Ngumiti na lang ako ng tipid sa kaniya. He wiped my tears using his thumb. "I Love You okay... I'm here. Hindi kita iiwan okay" aniya, tumango na lang ako sa kaniya.

Halo-halo na yung emosyon na nararamdaman ko. Hindi ko na alam yung gagawin ko. Kinakabahan ako.

Maya-maya lang ay nakarating na kami sa ospital. Dali-dali akong bumaba at sumunod naman sa akin si Luke.

Lumapit ako sa nurse. "Kenzo Montelo?" tanong ko at tumingin naman yung nurse sa log book.

"Maam Room 145 po second floor." sabi ng nurse at dali-dali naman akong naglakad. Hindi ko alam kung saan iyon.

"Baby here"

Napatingin ako kay Luke na nakatayo sa elevator. Dali-dali akong sumunod sa kaniya. Pagkapasok namin sa elevator. Napasandal na lang ako sa likod. Nanghihina na yung tuhod ko dahil sa kaba. Nanginginig na din yung mga kamay ko.

Pinindot ni Luke yung second floor sabay lumapit sa akin. Hinawakan niya yung kamay ko para pigilan ang pangnginig ko. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. Inayos niya yung mga hibla ng buhok ko na nahaharangan yung mukha ko. "Magiging maayos din ang lahat" sabi niya sabay hinaplos yung pisngi ko.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon