LUKE'S POV
"Naguguluhan na ako Sid, hindi ko na alam yung gagawin ko. Masyado nang gulo yung puso't-isipan ko. Nagtatalo yung dalawa at hindi ko alam kung sino sa kanila yung pakikinggan ko" halos sabunutan ko na yung buhok ko dahil sa inis at pagkagulo.
Nandito kami ngayon sa garden sa likod ng bahay namin at pinapunta ko sila para mag-inuman lang. Masyado na din kasi akong bored dito sa bahay dahil wala akong ginagawa.
Si Janxillie lang talaga ang laman ng isipan ko at hindi ko alam kung bakit hindi na siya maalis.
"Alam mo kasi Luke, dapat sundin mo yung tunay na nararamdaman mo sa kaniya." tinapik ako ni Dandy sa balikat. "Ano bang nangyayari sayo kapag nakikita mo siya?"
Napaisip ako. Ano nga bang nangyayari sa akin kapag nakikita ko siya?
"Kapag nakikita ko kasi siya parang kakaiba Dandy, hindi ko maipaliwanag. Hindi ko alam pero kapag kasama ko siya gumagaan yung pakiramdam ko"
"Inlove ka na nga talaga" nakangising sabi ni Sid sabay tumungga.
Napaisip din ako. Inlove na nga ba ako?! Hindi ako inlove sa kaniya! Ano bang nangyayari sa akin.
"Malapit na yung Acquaintance Party."
"Oo nga"
"So ano nang plano mo niyan?" tanong ni Dandy habang nagsasalin ng alak sa baso niya.
Napakunot yung noo ko. "Anong plano?"
"Plano Alexander... Plans"
"Bobo ka?" singhal ko sa kaniya.
Napabuntong-hininga na lang siya. Hindi na lang ako nagsalita at nagsalin na lang ng inumin sa baso ko at ininom ito. Kahit papano gumaan yung pakiramdam ko pero kahit na gano'n yung nararamdaman ko, hindi pa rin siya maalis sa isipan ko at patuloy lang ito ginugulo.
May gusto na ba ako sa kaniya?
May nararamdaman na ba ako sa kaniya?
Kapag nakikita ko yung mukha niya. Imbis na galit ang mararamdaman ko. Saya, saya at kagaanan ang lumalabas dito. Kapag kasama ko siya pakiramdam ko, ang sarap niyang kasama. Bawat ngiting nasisilayan ko sa kaniya, natutulala ako. Bawat tawag niya sa akin, para akong natutuliro pero hindi ko lang pinapahalata.
Nakaramdam ako ng pagbilis ng tibok ng puso ko dahil sa kaniya. Nakakatuwa lang isipin na magkakagusto ako ss kaaway ko.
Hindi naging maganda yung unang pagkikita namin ni Janxi. Pero bilib rin ako sa babaing iyon.
"I think i like her"
Napatingin silang dalawa sa akin nang magsalita ako. "Ano?"
Unti-unting sumilay yung ngiti sa labi ko. "I think i like her—"
"Boom!" sabay nilang sabi kaya naman taka pa akong napatingin sa kanilang dalawa. "Oy akina pera ko, sabi ko sayo may gusto na 'yan kay Janxi e!"
"Tangina naman" pikon na sabi ni Sid sabay kuha ng pera sa bulsa saka iniabot 'yon kay Dandy.
Parang tanga namang tuwang-tuwa si Dandy na animo'y nagwagi sa lotto. Nagpapalit-palit yung tingin ko sa kanilang dalawa. "Bakit nagkakaabutan kayo?"
Nakangiting bumaling sa akin si Dandy. "Pinagpustahan ka kasi namin. Sabi ko kapag nagkagusto ka kay Janxi, panalo ako tapos kapag hindi panalo siya"
Natigilan ako at napatitig sa kanilang dalawa. Putang ina pinagpustahan pa ako ng dalawang 'to!
"Masaya ako Luke dahil sa wakas, makapagmamahal ka na din" nakangising sabi ni Dandy.
BINABASA MO ANG
SAVED BY YOU
RomanceBakas ang pagkadismaya sa mukha ni Janxillie nang malaman niyang lilipat na sila ng eskuwelahan. Hanggang sa wala na siyang nagawa kundi ang pumayag na lang siya sa kagusutuhan ng kanyang mga magulang dahil ang sabi naman ng mga magulang niya ay diy...