CHAPTER 23

314 22 10
                                    

JANXI'S POV

"Subukan mo lang padapuin yang hawak mo sa ulo niya...Hindi ako magdadalawang isip na padapuin din itong hawak ko sa ulo mo!" sigaw ni Luke dahilan para matigilan kami pare-pareho.

Nanatiling nakatingin lang sa kaniya si Luke at nakangisi naman si Jecen sa kaniya."Ang tapang mo na Alexander, baka nakakalimutan mo... Mas mataas pa rin ang ranggo ko sayo!"

"Wala naman pakelam sa ranggo pati na rin sa'yo" seryosong sabi ni Luke. "Ano pang silbe ng ranggo mo kung babae lang naman ang kinakalaban mo"

Ranggo? May ranggo sila? Anong ranggo-ranggo naman 'yon. Naguguluhan ako.

Pakiramdam ko lahat ng sakit sa katawan ko ay nawala t umakyat na yon sa ulo ko. Masyado na akong naguguluhan sa mga taong ito. At masyado na din akong naguguluhan sa lalaking ito.

Bakit may mga ranggo ranggo pa silang nalalaman? Ano 'to?

"Tumahimik ka Alexander! Baka hindi mo kayanin yung kaya kong gawin sayo"

"Wag kang puro salita... Dapat ginagawa din" nakangising sabi ni Luke.

"Wag ka nang magsalita!! Sugurin niyo yan!" sigaw ni Jecen sa mga kasamahan nila.

Agad na pumwesto yung mga kasamahan niya naay hawak na baseball bat at walang ano-ano'y sumugod kila Luke.

Nanatiling nakatayo lang yung tatlo at nakatitig lang sa papasugod sa kanila. Ano? Wala man silang gagawin? Ngangata na lang ba sila diyan?

Kanya kaniya na silang sugod sa tatlo. Natatakot ako para kila Luke dahil masyadong marami yung tauhan ni Jecen at baka hindi nila kayanin kahit may mga hawak pa silang bakal!

"Halika dito!" hinila ako ng lalaki sa tabi. Katabi nila Janxi. Napayakap naman kami sa isa't isa.

"Ate natatakot ako" si Jenzi.

"Nandito na ako... Hindi kita iiwan" sabi ko.

Napatingin ako sa gilid ko nang makita ko si Dandy na papatakbo na sa gawi namin. Hingal na hingal.

"Sumakay na kayo sa kotse!" sigaw niya.

"P-Pero paano kayo?!" tanong ko.

"Wag kayong mag-alala sa amin"sabi niya."Sumakay na kayo!" sigaw niya.

Tumakbo na kami papasakay sa kotse. Agad kamjgn sumakay lahat at nilock yung kotse na iyon.

"Ayos lang ba kayo?" tanong ko sa kanila. Bakas pa rin sa mga mukha nila yung takot.

"O-Oo kayo ba ayos?" tanong ni Jc sa amin. Tumango na lang ako.

"Si Kenzo?" tanong ko sa kanila at muling tumingin sa harapang ng kotse pero ganon na lang yung panlalaki ng mata ko na maski siya ay nakikipaglaban sa mga tauhan ni Jecen.

Tumingin ako kay Dandy. Nanlaki yung mga mata ko nang makita yung kilos niya. Akmang may susugod sa kaniya pero sinipa niya ito sa tiyan dahilan para matumba yung lalaki.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa nakikita ko. Si Dandy ba talaga ito. Kakaibang Dandy ang nakikita ko ngayon.

May lalaki na susugod sa likod niya. Sinipa niya ito sa likuran kahit na nakaharap siya sa isang lalaki. Nanlaki yung mga mata ko nang hawakan ni Dandy yung ulo ng lalaki at itinagilid ko pagkatapos ay sinipa niya ito.

What the fuck!!!

Tumingin naman ako kay Sid. Ibang Sid ang nakikita ko ngayon. Tatlong lalaki ang susugod sa kaniya pero sinipa niya lang ito isa-isa sa mukha dahilan para matumba yung tatlong lalaking iyon. Akmang may hahampas sa kaniya pero mabilis niya itong nahawakan sa kamay at ikinuha yung baseball bat at ihinampas sa ulo ng lalaki. May lalapit din sa kaniya pero mabilis niya ding inihampas sa tiyan sabay sipa sa mukha. Shit!

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon