CHAPTER 49

166 7 4
                                    

JANXI'S POV

"Paano mo nagawa ang lahat ng ito?" hindi makapaniwalang tanong ko sa kaniya.

Tumawa naman siya bago muling tumingin sa akin. "Huh? Seriously?! Did you ask me why I did this everything to you and your family?!" biglang sumeryoso yung mukha niya.

Mabilis siyang lumapit sa akin at huli ko nang mapagtanto kung ano yung gagawin niya dahil sa mga oras na ito ay dumapo na yung kaliwang kamay niya sa pisngi ko.

Halos mahilo ako sa lakas ng sampal niya."Ate!" dinig kong sigaw ni Jenzi.

Nalasahan ko na yung dugo sa labi ko bago galit na nilingon siya. "Are you satisfied now?" tanong ko sa kaniya. "Nabayaran na ba namin yung ginawa ng ama ko?!" galit na sigaw ko sa kaniya.

"Kahit anong gawin mo Janxillie. Hindi maibabalik ng kahit na ano ang buhay ng mga magulang naming walang ginawang masama sa pamilya niyo!" sigaw niya.

"Bakit, sa tingin mo ba kung nandito lang yung mga magulang mo ay matutuwa sila na yung mga pinalaki nilang anak ay isang mamamatay tao—"

Galit siyang tumingin sa akin. "Wag mong ipasa sa akin yung kasalanan ng magaling mong ama Janxi."

"Sa tingin mo ba, makukuha niyo yung hustisya na ito sa pamamagitan ng ganito ha Keisha?" mahinahon ngunit may diing saad ko sa kaniya.

Kinakapos na ako ng hininga. Hindi ko na alam kung saan ako kumukuha ng lakas ng loob para sabihin sa kaniya yung mga sinasabi ko ngayon dahil sa totoo lang ay wala kaming karapatan para sumbatan rin sila dahil sa paghihinagpis nila.

Tumulo yung luha sa pisngi ko habang hindi maalis yung tingin ko sa kaniya.

"Alam mo" hinawakan niya yung baba ko para patingalain. "Ang kapal ng mukha mong sabihan ako ng mga ganiyang salita! Masyado na yatang pinakapal ng magaling mong ama yung mukha mo Janxillie." seryosong saad niya saka binitawan ako.

"Anak," dinig kong tawag ni Daddy ngunit hindi ko siya nilingon dahil sa labis na galit na nararamdaman ko.

Galit na galit ako sa kaniya.

"Masaya ka na ba?" tanong ko kay Keisha bago tumingin kay Jecen na kasalukuyang nakangisi sa akin. "Masaya na ba kayo? Eto na oh. Nakuha niyo na yung gusto niyo. Andito na kami. Andito na yung mga Vestellar. Bakit hindi niyo pa kami patayin nang matapos na ito!" sigaw ko sa kanila.

"Wag kang masyadong mainip Janxi. Kating-kati na rin naman kaming iputok itong baril sa mga ulo ninyo. Iniisip ko pa lang na nakahiga na kayo sa sahig habang umaagos yung dugo niyo sa ulo ko, sobrang saya ko na!" mala-demonyo niyang saad.

"Demonyo ka talaga Keisha" saad ko. "Ano kayang mararamdaman ni Luke kapag nakita niya yung pinakamamahal niya noon ay isang demonyo." saad ko.

Biglang sumeryoso yung mukha niya. "Shut up!"

"Nagpapasalamat ako sa diyos dahil hindi ikaw ang nakatuluyan niya. Nagpapasalamat ako sa ama ko dahil pinalipat niya ako ng paaralan. Dahil nakilala ko yung taong makakasama ko na habam-buhay. Hindi ikaw!" I shot back.

Ngumisi siya. "Makakasama habang-buhay?" tumawa siya ng nakakaloko. "Asa ka pa. Bakit sa tingin mo, papaabutin ko pa ito bukas? HAHAHA ulol." tawa niya. "Sa tingin mo papaabutin ko pa kayo kinabukasan? Hahaha. Ano kayo, anghel? Hahaha" tawa nilang magkapatid.

Dahan-dahang lumapit si Keisha sa akin. "Kaya magdasal ka na. Magdasal ka na sa lahat ng santo, ipanalangin mo na sana makaabot pa kayo kinabukasan dahil Janxillie. Itong bala ng baril ko ay handa nang tumarak diya sa utak mo" ngisi niya bago naglakad pabalik sa kapatid niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon