CHAPTER 32

187 6 1
                                    

JANXI'S POV

Nang hindi na kami makahinga ay siya na yung kusang bumitaw sa labi ko. Naramdaman ko na lang yung pagpula ng magkabilang pisngi ko dahil sa hiya kaya naman umiwas ako ng tingin, hindi kinakaya yung mga tingin niyang 'yon.

Napaigtad ako nang bigla niyang hawakan yung baba ko at iniharap sa kaniya dahilan para muli na namang magtama yung paningin namin. "Mahal na mahal kita" He said softly.

Unti-unting sumilay yung ngiti sa labi ko at wala sa sariling niyakap ulit siya. Isinubsob ko yung mukha ko sa dibdib niya. Rinig na rinig ko rin yung pagbilis ng tibok ng puso niya at natawa ako 'don. 

Kumalas ako ng yakap sa kaniya at tiningan siya. "Mahal na mahal mo talaga ako noh" pang-aasar ko sa kaniya.

Natawa siya sabay muli akong niyakap. "Mahal mo din naman ako" bawi niya kaya naman natawa na lang kami pareho.

Yung kaninang bigat na nararamdaman ko ay napawi nang dahil din sa kaniya. Magsasalita pa sana ako nant bigla niya 'kong hilain at nagsimula na siyang maglakad. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kaniya.

Lumingon siya sa akin sabay ngumiti. "Basta"

Naglakad pa kami at maya-maya lang ay nakarating na kami sa parking lot. Naku, hindi ko nasabihan si Kenzo tungkol dito. Mamaya, maatat yun kakahintay sa akin.

"Sandali lang" huminto ako kaya naman napalingon siya sa akin. Nakakunot yung noo.

Inilabas ko yung phone ko at isinenyas sa kaniya. "Tatawagan ko lang si Kenzo"

Tumango siya sabay ngumiti.

Tumalikod ako sa kaniya at tinawagan si Kenzo. "Hello"

"Nasaan ka na?" tanong niya sa akin.

"Umuwi ka na, magkita na lang tayo mamaya sa bahay"

"Ha?"

"Basta magkita na lang tayo sa bahay" sabi ko sabay lumingon kay Luke na naghihintay na sa akin. "May pupuntahan lang kami"

"Kami?" tanong ni Kenzo. "Hoy Janxi, sinong kasama mo? Ang usapan hahanapin natin si Luke, hoy Janxi! Nasaan ka?!" nag-aalalang tanong ni Kenzo kaya naman hindi ko na mapigilan pa yung sarili ko na matawa kaya naman napalingon ulit sa akin si Luke. "Mamaya na tayo mag-usap" sabi ko sabay ibinaba yung phone ko at lumingon sa kaniya.

Ngunit natigilan ako nang makita kung saan siya nakatingin kaya naman dahan-dahan kong sinundan yung tingin niya. Unti-unti kong ibinaba yung tingin ko at natigilan ako nang makita na...

Nakatingin siya sa mga hita ko. Sa sobrang pagmamadali ko ay hindi ko naagawang makapagbihis ng maayos.

Muli kong ibinalik yung tingin sa kaniya at nagtama yung paningin namin. Nakita ko yung sunod-sunod na paglunok niya sabay umiwas ng tingin sa akin. "I-Ibibili na lang kita ng damit.. Let's go" umikot siya at pinagbuksan ako ng pinto.

Napakamot na lang ako sa ulo bago naglakad papunta sa kotse niya at sumakay sa passenger seat. Isinara niya yung pinto at umikot papunta sa driver seat.

Pagkasakay niya ay kumuha siya sa backseat ng jacket at ibinigay iyon sa akin. "Ipatong mo muna sa hita mo" sabi niya, ang paningin ay wala sa akin.

Kinuha ko 'yon at inilagay sa hita ko para matakpan ito. "Ang weird mo haha" natawa ako sa kaniya.

"Let's go" aniya bago lumingon sa akin at ngumiti. Hinawakan niya yung kamay ko at hinaplos ito at pinisil. Dahan-dahan akong tumingin sa kaniya dahilan para magtama yung paningin namin. "Mahal na mahal kita" malambing na sabi niya.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon