CHAPTER 43

135 11 9
                                    

JANXI'S POV

Nang makarating ako sa Ilocos ay naging busy na kami para sa pag-aayos ng kagamitan. Hindi na rin kami nag-usap dalawa. Umalis siya nang hindi niya ako kinakausap, nang hindi niya ako pinapansin.

Ano bang karapatan ko? Wala na din naman akong karapatan sa buhay niya.

Masakit pa rin sa puso ko yung huli naming pag-uusap. Hindi pa rin ako makapaniwala na umabot kami sa ganitong sitwasyon.

Bakit? Bakit kailangan ko masaktan ng ganito? Bakit kailangan ko maghirap ng ganito?

Ang daming tanong sa isipan ko pero ni kahit isang sagot ay wala akong nakuha. Masakit sa puso ko yung katotohanan na wala na talaga siyang pakelam sa akin. Na hindi na ako importante sa kaniya.

Pumunta ako sa venue para sa gaganapin naming pag-sshoot para sa products. Bukas din ay aalis ako para makipag-usap sa CEO ng ibang company para udyukin sila na bilhin yung products namin.

"Ayos na ba ang lahat?" tanong ko sa staff namin.

"Yes po ma'am," aniya.

Tumango ako. "Good, may pupuntahan lang ako, kailangan kong makumbinsi yung ibang company. Bantayan mo ito, okay?"

Tumango naman siya. "Yes po ma'am"

Mabilis akong tumalikod sa kaniya at lumabas ng venue. Pero napatigil ako nang makita siya. Napatigil din siya sa paglalakad nang makita niya ako.

Kakaiba yung mga tingin niya sa akin. Hindi na katulad noon na walang emosyon, blangko. Ibang-iba yung ngayon.

Para na namang sinasaksak yung puso ko dahil sa mga nangyayari ngayon. Sa mga pagbabago sa buhay namin. Sa mga naging kapalit ng sakripisyo na ginawa ko. Lahat. Masakit sa puso ko.

Ngumiti ako ng tipid sa kaniya bago mabilis na naglakad at nilampasan siya. Hindi ko kayang makita siya ng matagalan. Nasasaktan ako.

Nasasaktan ako sa katotohanan na hindi na muli kaming mababalik sa dati. Na hindi na niya ako mamahalin pa. Na wala na talaga.

Agad akong umalis sa lugar na iyon bago pa tumulo yung luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko ang bigat at masikip sa kalooban ko yung mga nangyayari.

Nang makasakay na ako sa kotse ay lumingon ako kung saan siya nakatayo. Nagtaka ako kung bakit hindi nakatayo pa rin siya roon pero ang paningin ay wala sa akin.

Pinatunog ko yung kotse ko at mabilis na umalis sa lugar na 'yon. Habang nagmamaneho ako ay muling nanumbalik sa akin yung napag-usapan namin kagabi.

Ramdam na ramdam ko yung sakiy sa puso niya pero mas lumalamang yung sakit na nararamdaman ko.

Paano ko ba mapipigilang hindi mahalin yung taong hindi na maalis sa isipan ko?

Napabuntong-hininga na lang ako at maya-maya lang ay nakarating na sa company. Hindi naman ako nabigo na kausapin yung CEO na ito at pumayag sila na malipag collaboration sa kumpanya namin.

Kaya naman ay pagkatapos naming mag-usap ay bumalik na ulit ako ss venue para kumustahin kung anong mangyayari roon.

Nang makarating na ako roon ay agad akong pumasok sa loob at kinamusta yung kalagayan roon. Nag-aayos pa rin sila para sa gagamiting shooting place namin.

"Nasaan yung iba?" tanong ko sa sekretarya ko.

Tumingin-tingin ako sa palagid para hanapin yung iba pero hindi ko sila makita.

"Ah ma'am nasa taas po sila. Dumating na po kasi si ma'am Keisha, hinahanap na nga po nila kayo para po sa meeting" sabi niya.

Natigilan naman ako. Nandito na si Keisha. Hindi ko alam kung bakit parang hiniwa na naman yung puso ko.

SAVED BY YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon